20: Goodbye

2.2K 76 37
                                        

Alessia's pov:

"Bro, are you sure?" Rei asked me.

Tumango ako rito at ngumiti kahit medyo nahihilo na ako, "yeah, umalis kana, i'm okay." Pag assure ko rito, ayaw kasi niya akong pauwiin ngayon, nag-inuman kasi kami kasama ang banda, nalaman kasi nila ang nangyari kanina, ang bilis nga naman kumalat ng balita, mga marites!

Ayaw akong pauwiin ni rei, nag insist siya na sa condo nalang niya ako matulog pero dahil isa akong tangang nilalang ay hindi ako pumayag.

"Aalis na ako, take care of yourself, bye!" Paalam nito kahit bakas naman sa mukha niya ang pagka-disgusto sa desisyon ko. Tumango nalang ako rito bago siya umalis, hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako humarap sa bahay namin.

Ang laki ng bahay, walang buhay, tangina!

Nakapatay lahat ng ilaw sa loob, wala ba siya?

Tinignan ko ang kotse niya kung nandito ba siya, she's here. I chuckled, buti at hindi siya sumama sa lalaki niya?

Huminga muna ako ng malalim at inayos ang damit ko bago nag desisyon na pumasok na sa loob. Pagkabukas ko ng pinto ay saktong bumukas naman ang ilaw sa buong salas, napapikit pa ako dahil sobrang liwanag ng ilaw at kailangan pang mag adjust ng mga mata ko, nang medyo naalis na ang pagkasilaw ko ay dahan-dahan kong binuksan ang mata ko, and there, i saw her standing beside the light switch, she's holding a glass of water in her left hand, she's also staring at me with guilt and questioning in her eyes. Umiwas ako ng tingin sakanya at maglalakad na sana paakyat sa hagdan ng magsalita siya.

"Saan ka nanggaling? I've called you a lot of times, but I can't reach you." She asked with concern in her voice.

Hindi ko siya tinignan "it's none of your business." I said coldly. Maglalakad na sana ako ulit pero mabilis naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ako. Agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin at malaming ang mukhang hinarap siya.

"I'm tired, Miss Quilañez. Not now." I can't talk to her right now, i might cry, fuck!

"Talk to me please, Baby please...please let's talk, i'm sorry, i-i slapped you earlier." she said, her voice pleading.

Hindi naman ako galit dahil sinampal niya ako, nasasaktan ako dahil hindi man lang niya muna ako pakinggan kahit minsan lang, sana kahit minsan lang ay pumanig naman siya sa akin...lagi nalang ang lalaking iyon, tangina.

Pumikit ako at huminga ng malalim bago ko muling buksan ang mga mata ko, at seryoso siyang tinignan. "Oh right, buti pinaalala mo, we have something to talk about, wait for me here." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nagmamadali akong umakyat at nagtungo sa kwarto niya, binuksan ko ang drawer sa ibaba ng study table niya, at kinuha ang brown envelope rito, pagkatapos ay nagmadali akong bumaba ulit.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa namin at hinihintay ako, the moment she saw what i was holding she quickly stood up from her seat at tumingin sa akin na parang 'di makapaniwala, I can see the guilt and horror on her face at this moment.

"B-baby, where did you get that? It's not what you think, please listen to me...please baby" her voice broke, she's now holding me, pleading to listen and talk to her.

Mapait akong ngumiti sakanya "you're already planning this, right? For how long now? Did you just used me? Is this your plan all along?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya, nararamdaman ko rin na malapit nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

Nakita ko 'to two weeks after namin makauwi rito sa manila, nakisuyo kasi siya sa akin noon na kunin iyong papel sa study table niya, pero hindi ko inaasahan na ibang papel pala ang makikita ko, I was hurt, nanginginig ako habang binabasa ko ang nakasulat dito, God knows how many times I prayed na sana hindi niya ituloy, na sana hindi totoo ang lahat ng iniisip ko, itinago ko sakanya iyon ng mahigit dalawang buwan, pero parang hindi yata talaga mabait sa akin ang tadhana, kabaliktaran ang lahat ng nangyari.

My SerendipityWhere stories live. Discover now