A/N: minadali kolang hahaha
stay safe and dry, everyone!
Alessia's pov:
Pagkapasok ko sa office ni Rei, agad kong isinara ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko—hindi pa rin humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sobrang gumanda siya, huhu.
"Alam mo bang mukha kang tanga ngayon?" Nakatayo na siya ngayon sa harap ko, may hawak pang bote ng tubig. Agad ko iyong hinablot mula sa kamay niya at tinungga nang mabilis.
Pagkaubos ko, wala na akong sinayang na oras at Ibinato ko ang plastik na bote sa mukha niya.
"Wow ha! Anong tingin mo sa akin, basurahan?!" sigaw niya, halatang inis.
Hindi ko na siya pinansin. Umupo lang ako sa couch ng office niya at ilang sandali lang ay sumunod din siya at umupo sa tabi ko.
"Bakit ka ba hingal na hingal d'yan? May humabol ba sa'yo sa labas?" tanong niya, halatang nagtataka.
Umiling lang ako at hinubad ang coat na suot ko. Nasa Pilipinas na nga talaga ako. Ang init, grabe.
"I saw her," bulong ko "Gumanda siya l—"
"At sumungit lalo," sabat agad ni Rei sabay yakap sa akin na para bang bida sa isang drama series. "Magreresign na talaga ako rito, Sia. Hindi ko na kaya ang pang-aalipusta sa akin ng babaeng 'yon. Kung hindi mo lang ako pinakiusapan, hinding-hindi talaga ako magta-trabaho rito."
Totoo naman. Ayaw talaga ni Rei magtrabaho sa kompanya na ito. Ang pangarap niya ay magtayo ng sarili niyang manufacturing company. Pero dahil pinangakuan ko siyang tutulungan ko siya, syempre pumayag agad ang gaga. Wala eh, buraot din minsan.
Jusko, Lord. Mayayaman naman sila pero bakit ako palagi ang hinihingan ng pera?
"Thank you for everything, Rei. I owe you this one," sabi ko. "Huwag kang mag-alala. I'll be your biggest and prettiest investor."
Bumaklas siya mula sa pagkakayakap at ngumiti na parang baliw.
"Dapat lang noh! Tagal-tagal kong nagtitimpi diyan sa ex-wife mong demonyita."
Tinignan ko siya nang masama. Kung makapagsalita, akala mo hindi niya kadugo eh!
"Is it true?" tanong ko bigla.
Itinaas niya ang kilay niya, halatang naguguluhan.
"May nanliligaw sa kanya?"
Pagkaproseso niya ng tanong ko, bigla siyang tumawa nang malakas. Napahawak pa siya sa tiyan niya.
"Kaya ka pala biglang umuwi? Pfft. HAHAHA!"
Hindi siya tumigil sa kakatawa. Kaya sinipa ko siya, sapul ang tagiliran, at bumagsak siya mula sa couch.
"Bibigwasan talaga kita! Tumigil ka na nga kakatawa!" sigaw ko, inis na inis. Bwisit talaga 'tong isang 'to.
"Hindi ko alam na naging uto-uto ka na pala?" pang-aasar pa rin niya habang mamatay-matay sa kakatawa.
Hindi ko siya pinansin. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Ang biglaang pagkikita namin. It wasn't part of my plan. Nagpanic ako. Hindi ko alam kung paano ko siya muling kakausapin. Pero ang totoo, hindi ko naman talaga balak na makipag-usap. Gusto ko siyang iwasan hangga't maaari. Ayokong madamay pa siya. Tama na ang nangyari noon kay Rei. Ayoko nang may masaktan pa, lalo na siya.
YOU ARE READING
My Serendipity
RomanceWhat if she suddenly shows up? What if she walks into your quiet, almost perfect life and stirs the peace you have? Does her unexpected arrival make her your serendipity? Or is it something else, something in the way she carries herself, something y...
