Alessia's pov:
"IF YOU EVER LEAVE!! WELL, BABY YOU WOULD TAKE AWAY EVERYTHING NEED YOU WITH ME!! BABY DON'T YOU KNOW THAT YOU'RE EVERYTHING GOOD IN MY LIFE!!"
Tangina! kanina pa ako naririndi sa pagkanta niya! lagi nalang akong napapalibutan ng mga baliw!
Kanina, napagdesisyunan naming sa condo ko na lang kumain. Ayaw kasi ni Shaine ng masyadong matao—kilala niyo naman ang ate niyong superstar, parating pinipilahan kahit saan magpunta. Kaya ayun, sa halip na lumabas, nagpa-deliver na lang kami ng pagkain.
Pagkatapos naming kumain, nagulat pa ako nang mag-aya siyang kumanta. Wala naman akong mic o karaoke system, pero ayan siya—nag-order pa talaga online. As in, same-day delivery para lang makakanta siya. Hindi pa doon natapos—bumili rin siya ng alak. Para daw mas "enjoy." Eh siya lang naman talaga ang nag-eenjoy. Ako? Nalalasing sa kakakanta niya, hindi sa alak!
"God, Shaine! Just shut the hell up already!" sigaw kong inis habang umiinom ng beer. Hindi ko na kinaya, paulit-ulit na lang ang chorus.
ilang minuto lang ang kumipas ay tila ba naputol bigla ang playlist. Nagulat ako sa katahimikan at agad siyang nilingon. Doon ko lang napansin, umiiyak na pala siya.
"Putangina," bulong ko sa sarili. "Nababaliw na ba 'to?" ang saya-saya palang niya kanina eh!
Agad ko siyang nilapitan, hinawakan sa magkabilang pisngi para maaninag nang maayos ang mukha niya. Nagkalat na ang mga luha sa mata niya, totoo ngang umiiyak siya.
"Hey," malumanay pero nag-aalalang tanong ko, "bakit ka umiiyak? Dahil ba nasigawan kita? I'm sorry, Shaine... niloloko lang naman kita kanina."
Pero lalo lang siyang humagulgol na parang bata.
"Mamamatay ako sa panic," bulong ko ulit sa sarili. baka mabunsol pa siya sa kakaiyak niya eh.
Tumingin sa akin ang mga mata niyang namumugto, at sa pagitan ng hikbi ay mahina siyang bumulong, "I miss her, Babe." At bago pa ako makapagsalita, niyakap niya ako nang mahigpit—parang ayaw na akong pakawalan.
Yumakap din ako pabalik. Hindi ako expert sa mga ganitong moment, pero sige na nga, comfort kung comfort. Mahalaga siya sa akin, at kung yakap lang ang kailangan, ibibigay ko.
"Want me to call her?" mahina kong tanong habang hinahaplos ang likod niya.
Umiling siya agad. "No, please... she won't come. She hates me," at muling nagsilabasan ang mga luha niya.
akala ko ulan, luha lang pala ni shaine.
"Then I'll kill her instead." i joked
Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap at binigyan ako ng matalim na tingin.
"Don't you dare!"
Napatawa ako sa pagiging cute niya. Para siyang batang galit na galit pero hindi kayang manakit. Nakakatuwang inisin.
Nang makatulog siya sa sofa, iniwan ko siya sandali para magligpit. Pero syempre, matigas ang ulo ko. Tinawagan ko si Ibon.
"For the love of God! Why are you calling me this late, Sia?!" sigaw niya agad sa kabilang linya.
Tumawa lang ako. "She's with me," sagot ko, sabay ngiti kahit hindi niya nakikita.
Natahimik siya nang mapagtanto niya ang sinabi ko. Parang tumayo siya bigla dahil dinig ko ang mga kaluskos sa kabilang linya. "Bakit kasama mo siya?! Don't freaking tell me—"
"Yeah, ayaw mo na 'di ba? Edi sa akin na lang," natatawang asar ko.
Agad niyang binaba ang tawag. Natawa ako nang malakas. Para na akong baliw habang naglilinis ng mga kalat.
YOU ARE READING
My Serendipity
RomansaWhat if she suddenly shows up? What if she walks into your quiet, almost perfect life and stirs the peace you have? Does her unexpected arrival make her your serendipity? Or is it something else, something in the way she carries herself, something y...
