Third person's pov:
Kahit hirap gumalaw ay agad na lumabas si Rei sa kotse, napasigaw pa ito dahil sa tinamong malaking sugat sa bandang kaliwa ng kanyang tuhod, pero pinilit pa rin niyang maglakad patungo sa sasakyan ni Sia.
"F-uck n-no" nanginginig na bulong nito nang makita ang hitsura ng kotseng kinaroroonan ni Sia ngayon.
Pinilit niyang mas bilisan ang lakad hanggang sa makalapit ito sa kotse ni Sia, malakas siyang napahagulgol nang makita ang kondisyon ni Sia ngayon. Pinilit niyang buksan ang pinto ng kotse para mailabas ang matalik na kaibigan ngunit kahit anong hila ang gawin niya ay hindi niya ito mabuksan.
Umikot siya patungo sa driver's seat ng sasakyan kung saan naroon ang kaibigan.
"Sia! Gumising ka dyan, tangina! Sia...please" pagkatok nito nang paulit-ulit sa bintana ng sasakyan ni Sia habang malakas pa ring umiiyak.
Habang pilit pa rin niyang binubuksan ang pintuan ay sakto namang dumating ang itim na sasakyan, iniluwa nito ang mga nag-aalalang mukha ni Mike, Trevor, at Von na agad namang tumakbo papalapit kay Rei.
"Sia..boss.." 'yan na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ni Von.
"Señorita! Boss!" Agad na sigaw naman ni Mike nang makita ang kalagayan ni Sia ngayon, agad din siyang lumapit sa sasakyan nito at malakas na pinagsusuntok ang bintana ng sasakyan upang mabuksan niya ang pintuan, at mailabas si Sia roon.
"Boss! Tangina anong nangyari, Rei!" Nag-aalalang bungad ni Trevor rito, pero parang wala sa sarili si Rei dahil hindi man lang sila nito pinagtuonan ng pansin at patuloy lang sa pagsuntok at pagpipilit na buksan ang pintuan ng kotse kahit na sobrang nanghihina na ito.
Nagpasya na si Von na hawakan si Rei at hilain ito papalayo roon "Rei, calm down. Parating na ang ambulansya." Pagkausap nito kay Rei, doon pa lamang bumalik si Rei sa reyalidad, kitang kita sa mukha niya ngayon ang labis na takot at pag-aalala para sa kaibigan.
Yumakap si Rei kay Von at malakas itong humagulgol ng iyak, niyakap naman siya pabalik ni Von "shush now, she's gonna be okay hmm."
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang ambulansya at agad na sinakay si Rei at Sia upang dalhin sa hospital.
_
Nakatayo sa malayo ang isang lalaki at pinagmamasdan ang mga kaganapan ngayon.
"Patay na ba siya?" Bungad ng taong kausap niya sa kabilang linya.
"Hindi ko pa alam boss, pero sa hitsura ng kotse niya ngayon ay mukhang malala ang tinamo nito." Sagot nito sa kausap.
"Everything is going according to our plan." Tumawa pa ito bago pinatay ang tawag.
_
Tahimik na nag-aantay ang apat sa labas ng operating room, tahimik nguni't puno ng pag-aalala ang mababasa mo sa mukha nila ngayon.
Pagkatapos magamot ang mga natamong sugat ni Rei ay nagpumilit itong lumabas sa kanyang silid nang malaman niyang kasalukuyang inooperahan ang matalik niyang kaibigan, hindi na nakaangal pa sila Von dahil naiintindihan nila ang nararamdaman ni Rei dahil siya ang nakasaksi sa lahat ng pangyayari.
Ipinaimbestigahan na rin agad ni Trevor at Mike sa mga tauhan nila ang nangyari dahil alam nilang hindi lamang ito simpleng aksidente lang, sigurado silang ang taong matagal na nilang hinahanap ang may gawa ng lahat nang ito.
Tinawagan na rin nila ang Lolo ni Sia para ipaalam ang nangyari sa apo, kasalukuyan na raw itong bumabyahe paluwas dito sa maynila.
Habang tahimik silang nag-aantay ay nakarinig naman sila ng mga yapak ng mga paa na papalapit sakanila, sabay-sabay silang lumingon dito.
YOU ARE READING
My Serendipity
RomansaWhat if she suddenly shows up? What if she walks into your quiet, almost perfect life and stirs the peace you have? Does her unexpected arrival make her your serendipity? Or is it something else, something in the way she carries herself, something y...
