Chapter Two
The Groom, The Stranger
"ARE YOU sure na white roses lang ang gusto ng kliyente?"
Tumango si Wendy. Nasa flowershop niya ito at nagkakape sila habang nakikinig sa OPM music na pinapatugtog niya. Tatlong taon na silang magka-business partner na nauwi sa isang friendship. Sa loob ng tatlong taon din ay nasanay na si Wendy sa trip niya sa music. Gustong-gusto niya ng OPM at mga lumang kanta lalong-lalo na 'yong mga kanta ni Sharon Cuneta. 'Yon kasi ang mga kantang kinalakhan niya at paborito rin ng Inay niya ang artistang iyon. Hindi niya masasabing paborito niya rin ang singer-actress pero gusto niya ang mga kantang pinasikat nito.
"It's the groom's favorite flower. The wedding will be very simple yet solemn. Actually, nakaka-inggit sila na couple."
"Bakit?"
"Because they are so much in love with each other." Napangiti siya. Gaya niya ay single pa rin si Wendy at the age of twenty-eight. Panay ang plano nito ng mga kasal pero hindi pa rin ito ikinakasal. Madalas na nasa Manila ito pero paminsan-minsan ay umaakyat ito ng Baguio para makausap siya ng personal at upang panandaliang takasan ang polusyon sa siyudad.
"I do hope hindi 'yan mag-annul after few years."
"Iba ang couple na ito, Sari. Teenagers pa lang ay sila na. Eight years silang naghiwalay and when they saw each other again, there's still love. Ibang klase talaga and mind you, the guy is not an ordinary man."
"Bakit? Mayaman?"
"Mismo! Kilala siya sa high society. Magbasa ka kasi ng lifestyle section sa mga news papers pati na rin mga lifestyle magazines. Parati na lang mga bulaklak ang kaharap mo rito." Tinawanan niya lang ang komento ng kaibigan niya kasi totoo. Madalas na floriculture books and magazines ang mga binabasa niya since iyon ang linya ng kanyang business. "And the bride is just an ordinary girl. A secretary," dagdag nito.
"Langit at lupa pala," komento niya. Tumango si Wendy. "Hindi ba gold-digger 'yong babae?"
"Disenteng babae si Miss Escueta. Best friend siya ng kapatid ng groom. Nakausap ko na siya ng ilang beses at simple lang talaga siyang babae. Hindi siya gaya ng iba nating naging kliyente na mga demanding at ang aarte. Pareho silang soft-spoken ng groom."
"Mukha ngang bagay ang dalawa. Sana nga lang magtagal sila."
"Ako kaya, kailan?" nangangarap nitong sabi. Bago pa siya makasagot ay bumukas ang pinto ng shop at pumasok ang anak niyang si Dan. Galing pa ito ng school.
"Hello Mama! Hello Tita Wendy!" bati ng anak niya sa kanila saka humalik sa kanyang pisngi at pati na kay Wendy. Malapit ng mag-eight years old si Dan at lumalaki itong gwapo. Nagmana ito sa side nila. Meron man itong namanang traits mula sa ama ay hindi naman halata. Ang alam ni Dan ay patay na ang ama nito kaya hindi na ito nagtatanong.
"How's school, young man?" tanong ni Wendy rito.
"Great, Tita! Mama, can I watch Harry Potter after my assignment?" tanong ni Dan. Paborito nito ang Harry Potter series since ito nga raw si Daniel Radcliffe, ang bidang actor sa nasabing mga pelikula.
"Of course pero manonood ako kasama mo."
"No problem." Kahit ilang beses ng inuulit-ulit ni Dan ang mga pelikulang iyon ay hindi pa rin ito nagsasawa. Nagpaalam na ito na papasok sa room nito.
"Hindi ba hinahanap ni Dan ang tatay niya?" tanong ni Wendy nang makaalis si Dan.
"Hindi. Sapat na ako sa kanya."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...