Chapter Twelve- A Quest for Answers

1.3K 58 3
                                    

Chapter Twelve

A Quest for Answers


"BOSS ELIJAH?"

Maang siyang napatitig sa secretary niya na kanina pa may sinasabi pero hindi niya narinig dahil nasa ibang lugar ang isip niya.

"Ano ulit 'yon, Remi?" tanong niya.

"May meeting po kayo sa..." kung sinu-sinong pangalan ang binanggit ng secretary niya pero hindi niya mawawaan ang mga iyon dahil ang isip niya ay may ibang iniisip. "Boss, hindi ka naman nakikinig eh," parang nainis na si Remi sa kawalan niya ng atensiyon sa sinasabi nito.

"Sorry, Remi. Honestly, wala rito ang isip ko."

"Nasa Baguio?" tanong ng secretary niyang nakangisi na.

"Sort of pero hindi lang doon," sagot niya. Walang kwenta kung magsisinungaling siya kay Remi kasi alam na alam na nito ang update ng 'Fling Files' niya. "Tell me, hinarana ka ba noon ng asawa mo?" tanong niya rito.

"Hindi po. Kinantahan niya ako pero sa videoke-han 'yon nangyari kasama ang mga kaibigan namin," nakangiti at mukhang kinikilig pang kwento ng secretary niya. "Bakit niyo naitanong? May haharanahin kayo?"

"Nag-research ako tungkol sa harana at traditionally, ginagawa ng lalaki ang pagkanta sa labas ng bintana ng bahay ng babae habang 'yong hinaharana ay nakadungaw sa bintana. It's like Romeo and Juliet's balcony scene but instead of poetry, the guy is offering a song."

"Tama po kayo. So ano ang problema?"

"Ang layo ng bintana nina Sari. Naguguluhan din ako kung sa Baguio o dito sa Maynila ko siya haharanahin," aniya. Ilang araw na niyang pinag-iisipan ang ideyang iyon. Nagulat siya nang tumawa si Remi.

"May gusto ka nga doon sa florist, Boss! Itatapon ko na po ba 'yong 'Fling Files' ninyo?" excited na tanong ni Remi.

"May gusto ako kay Sari?" nagulat siya sa sinabi ng secretary niya.

"Panay ang punta niyo sa Baguio recently eh. Meron pa kayong naiisip na harana. Hinaharana lang ng isang lalaki ang isang babae kung may gusto siya rito. Kung wala kang gusto kay Sari, bakit mo siya haharanahin?"

"Hindi naman ako sure kung may gusto ako sa kanya. Alam mo 'yong feeling na gusto mong pasayahin ang isang tao at ibigay ang mga gusto niya sa buhay kasi deserving naman siya sa mga iyon? Ganon ang feeling ko. Sari deserves all the happiness in the world. She's a good woman and a mother. She's -"

"A wife material," dugtong ni Remi. "Love na 'yan, Boss!" kinikilig nitong sabi. Hindi siya nagsalita. Ano ang alam niya sa pag-big? Mahal niya ang pamilya niya pero hindi lang basta pagmamahal ang tinutukoy ni Remi. Ang tinutukoy nito ay ang nag-iisang bagay na kinatatakutan niyang mangyari sa kanya. Nakikita niya ang pag-ibig sa ibang mga tao pero hindi niya iyon kailanman naisip na mangyayari sa kanya.

He stood. "Aalis muna ako," aniya saka lumabas ng opisina. Hindi siya mapalagay. Kailangan niya ng mapagtatanungan. 'Yong alam niyang meron karanasan sa bagay na gusto niyang maintindihan.


NAABUTAN ni Elijah si Faye na nasa harap ng laptop nito. Masaya siya nitong pinatuloy. May residencial house sila kung saan sila nagtitipon-tipon kapag naroon ang mga kapatid nila. Elisha and Faye could always stay there but his brother decided to live with Faye in a different place. Elisha believes that it's the right thing because according to the Biblical principle, a man should leave his home and be with his wife as one flesh. 'Yon din ang naaalala niyang sabi ni Iñigo during the wedding. Okay lang 'yon sa kanila since gano'n naman ang dapat mangyari pero dahil doon kaya gusto ni Eli na doon siya patirahin sa residential house habang wala pa siyang asawa or even kahit mag-asawa na siya. After all, sila lang naman ni Elisha ang citizen na ng Pilipinas and the others have their own lives in other countries. Hindi pa siya pumapayag sa idea na iyon pero hindi rin naman 'yon masama para sa kanya.

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon