Chapter Twenty- Proposal and Permission

1.1K 53 3
                                    

Chapter Twenty

Proposal and Permission


UMAGA na nang magising si Elijah. Puro puno ang una niyang nasilayan. Bumalik na siya sa dati niyang anyo. Dahan-dahan siyang bumangon. Saka niya napansing wala siyang damit maliban sa kumot na ibinalot ni Sari sa kanya kagabi. Napangiti siya ng makitang mahimbing ang tulog ni Sari sa tabi niya.

"Sari..." he touched her cheek. Nagising ito at tumitig sa kanya. Namasa ang mga mata nito nang makita siya. Bumangon ito at agad siyang niyakap.

"Elijah... salamat at bumalik ka na sa dati."

"Once in a month lang ako nagpapalit ng anyo. Only during full moon. Babalik din naman ako agad next day. Salamat at hindi mo'ko iniwan. I thought I will lose you, Sari."

Lumayo ito sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi at hinalikan ang kanyang mga labi. Ramdam niya ang pananabik nito sa kanya. Sabik na sabik din siya rito kaya naging maalab ang pagtugon niya sa mga halik nito. Nanumbalik sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila sa club noon. Nang maglayo ang kanilang mga labi ay niyakap niya ito nang mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Sari," bulong niya rito.

Matapos ang ilang sandali ay pinagbihis siya nito. May dala itong roba at iyon muna ang isinuot niya. Nang makabihis na siya ay bumalik sila sa bahay. Doon ay nakahanap siya ng matinong maisusuot at nakapagpahinga siya. Ipinagluto naman siya ni Sari ng pagkain. Matapos siyang kumain ay saka pa lamang sila nakapag-usap ng maayos.

"Where were you? Bakit ka nagtago, Sari?" tanong niya sa babae. "Hinanap kita pero para kang bulang naglaho. Pati si Dan ay dinala mo. Bakit?"

"Nahihiya kasi ako sa'yo. Ayokong kaladkarin ka sa eskandalo, Elijah. Isa pa, alam ko na na isa kang Contreras at isa ka sa Gemini," pagtatapat nito.

"Who told you?" gulat niyang tanong.

"Ang ate mo." Nagtangis ang kanyang bagang sa narinig. Tama nga ang hinala niya na nakialam ito sa kanila. "Elijah, hiniling ko sa kanya na itago ako malayo sa'yo."

"What?"

Yumuko ito na naluluha. "Hindi ako bagay sa isang tulad mo. Mapapahiya ka lang kapag ako ang pinakasalan mo. Nakiusap ako sa kanya na dalhin ako sa isang lugar na 'di mo ako matutunton. Tinupad niya lang ang gusto ko."

Natawa siya ng pagak. "Mas gusto naman niya 'yon para malayo ka sa akin."

"Elijah, hindi niya sinabi sa akin ang totoo upang layuan kita. Sinabi niya ang totoo upang pag-isipan ko kung kaya ko bang ipaglaban ka and I failed the test, Elijah. Naduwag ako. Nilayuan kita," napaiyak ito. "Ako ang magiging kahihiyan mo."

"Handa kitang pakasalan at akuin si Dan na akin. Pananagutan ko rin ang ginawa ko sa'yo eight years ago!" deklara niya.

Gulat itong napatingin sa kanya. "Naaalala mo na?"

"Oo. Nang maiwan mo ang purse mo sa party at nakita ko ang nawawala kong keychain, saka ko naalala kung bakit parang nakita na kita noon. Ikaw ang nakasama ko sa club and I gave you money kaya nang magising ako noon ay wala ako ni singko sa wallet ko. But I don't care about the money. That money helped you and Dan.

Inisip ko na nabuntis kita. I thought Dan is mine but I was wrong. Ipina-DNA test ko ang bata. Hindi siya akin. Anak nga siya ni Jonathan. But I don't care about the past anymore. Ang importante sa akin ay ang ngayon. I need you in my life, Sari. Mahal ko na rin si Daniel. Mahal kita. Mahal mo'ko so ano pa ang problema? You know my secret and I know yours. Ang kinatatakutan mong sekreto ay wala lang kumpara sa sekreto ko at ng pamilya ko. Hindi mo dapat katakutan ang mga sasabihin nila. Please, Sari. Don't make me suffer more," mahaba niyang sabi rito.

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon