Chapter Nineteen- Underneath the Griffin's Wings

1.1K 55 4
                                    

Chapter Nineteen

Underneath the Griffin's Wings


NAGISING si Sari dahil sa naririnig niyang music. Bumangon siya mula sa sofa na tinulugan. Sa harap niya ay nakita niya ang isang babae at isang lalaki na nakaharap sa piano. Maganda ang babae na mukhang teenager pa. Hispanic ang features nito. Ang lalaki naman ay gwapo na mukhang nasa mid-thirties ang edad at blonde ang mahabang buhok. Tumutugtog ng piano ang babae. Ang labis niyang pinagtatakhan ay ang suot ng mga ito. Nakasuot ang mga ito ng damit na madalas niyang makita sa mga Victorian era English films.

"Hindi porke't nangyari sa iyo iyon noon ay mangyayari ulit ngayon," anang babae.

"Tama ka pero mula nang mabigo ako sa pag-ibig noon, hindi na muling tumibok ang puso ko para sa iba," sabi naman ng lalaki na mapanglaw ang asul na mga mata.

"Tutulungan kitang malimutan siya. Ako ang pupuno sa puwang na iniwan niya sa puso mo. Mamahalin kita higit pa sa iniisip mo."

"Bata ka pa."

"Bata? Hindi na ako bata dahil nagmamahal na ako at mahal kita," puno ng katapatang sabi ng babae. Tumigil ito sa pagpi-piano. Niyakap nito ang lalaki saka hinalikan sa mga labi. Pakiramdam niya ay nakikita niya ang sarili sa katayuan ng lalaki at si Elijah sa babae. Si Elijah ang pumuno sa puwang na inu-okupa ni Jonathan noon. Nagawa ni Elijah na paibigin siya ulit. Minahal siya nito ng totoo sa kabila ng marami niyang kapintasan. Napaiyak siya.


NAGMULAT si Sari ng mga mata.

Panaginip lang pala iyon.

Natagpuan niya ang sarili sa isang silid na hindi pamilyar. Napatingin siya sa gawi ng bintana. Papagabi na pala. Iginala niya ang tingin sa paligid.

"Nasaan ako?" Ang huli niyang naaalala ay nasa bahay siya na kasalukuyan nilang tinitirahan ni Dan. Sa lugar na iyon ay hindi sila masusundan ni Elijah pero isang tao lang ang may alam sa lokasyon nila. Ilang linggo na niyang hindi nakikita si Elijah. Pinili niyang lumayo dahil hindi siya bagay dito pero nasasaktan pa rin siya. Gabi-gabi niya itong napapaginipan.

Bababa na sana siya sa kama nang mapabaling sa gilid no'n. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang naroon si Elijah na walang malay. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang hallucination niya lang iyon pero 'di ito nawala. Naroroon nga si Elijah! Tinitigan niya ang mukha nito. Medyo pumayat ito at mukhang stressed. Nang haplusin niya ang pisngi nito ay naramdaman niyang mainit ito. May lagnat ang lalaki.

"Elijah," tawag niya sa lalaki saka marahang niyugyog. "Elijah, gising." Nang hindi pa rin ito tuminag ay nag-alala na siya. She listened to his heartbeat, mahina na iyon. Lumabas siya ng silid at nagpunta sa kusina. Doon ay kumuha siya ng maliit na palanggana at bimpo. Nilagyan niya ng maligamgam na tubig ang palanggana bago dinala sa silid.

Naghanap siya ng pwedeng pamalit sa damit ng binata. May nakita naman siyang mga damit sa aparador na naroon. Maingat niya itong pinalitan ng t-shirt. Pinunasan niya ng basang bimpo ang mga braso nito. Habang pinupunasan ni Elijah ay naisip niya kung paano sila nagkasama roon at bakit ito nagkasakit.

"Sari..." ungol ni Elijah. Unti-unti na itong nagkakamalay. Tumingin ito sa kanya. Bigla itong napangiwi sabay pamamaluktot sa sakit. Ilang saglit pa ay napasigaw ito sa 'di niya malamang dahilan.

"Elijah –" tinangka niya itong hawakan pero tinabig nito ang kamay niya. Pinilit nitong bumangon at lumabas ng silid. Naguguluhan man ay sinundan niya ito. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ng lalaki pero hindi ito huminto sa pagtakbo. Lumabas ito ng bahay at 'di na niya inabutan. Ano'ng nangyayari? Bakit ito nagkaganoon?

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon