Chapter Thirteen
A Son's Choice
NAPAPANGITI si Sari kapag naiisip na pumupunta ng Baguio si Elijah para lang makita at makasama silang mag-ina. Mag-iisang buwan na itong pabalik-balik ng Baguio every weekend. Ayaw nitong bumalik siya ng Manila dahil bumabalik pa rin daw si Jonathan sa flowershop. Ayaw man niya, kung minsan ay nabibigyan niya ng kahulugan ang kabutihan ng binata sa kanilang mag-ina. Palihim siyang umaasa pero nirerendahan niya rin ang sarili. Kilala si Elijah bilang playboy kaya maaaring–
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Gusto niyang umasa na hindi lang pampalipas-oras ng lalaki ang pagpunta nito roon. Na sana may nararamdaman na ito para sa kanya kahit papaano. All she can do is hope.
Araw ng Biyernes, tinawagan niya si Marky sa flowershop sa Manila.
"Marky, any news?" tanong niya sa temporary manager niya roon.
"One week ng hindi nagpapakita rito ang ex mo, ma'am." Pati si Marky ay may alam na rin pero napatunayan niyang mapagkakatiwalaan ang lalaki.
"Ganon ba?"
"Opo. Ma'am, Miss Illustre wants to talk to you as soon as possible pero hindi raw po siya makakaakyat diyan para personal kayong makausap." Alam ni Wendy ang dahilan kung bakit madalas siyang nasa Baguio.
"Pupunta ako diyan."
"Sigurado po kayo?"
"Oo. Siguro naman kaya mong bugbugin si Jonathan kapag nanggulo," biro niya.
"With all pleasure, Ma'am," sagot ni Marky. Natawa siya. Matapos siyang makipag-usap kay Marky ay naghanda na siya para pumunta sa Manila. Siguro naman ay nagsawa na nga si Jonathan.
SABADO. Abala siya sa flowershop kahit halos wala siyang tulog dahil sa biyahe kahapon. Tinutulungan naman siya ng mga employees niya. Malapit ng magtanghali nang magkasunod na dumating sina Wendy at Nanay Rosalie kasama si Dan. Napagod si Nanay Rosalie sa biyahe kaya nagpahinga muna ito sa apartment pero si Dan ay walang kapaguran. Tumambay ang anak niya sa flowershop at nakipagkwentuhan kay Marky. Instant close agad ang dalawa.
"That guy, your flowershop boy and cashier, I think I know who he is," sabi ni Wendy sa kanya saka sinulyapan si Marky na nakikipag-usap kay Dan.
"Really? Kilala mo na siya?"
Napailing si Wendy. "I just can't figure it out why he needs to work here."
"Ano ba ang sinasabi mo?"
Hindi sumagot si Wendy. Nagpatuloy sila sa kanina ay meeting nila. After sometime ay narinig nila si Marky na may kausap sa phone. Noong una ay mukha itong okay pero bigla na lang itong nawala sa mood.
"Pakialam ko kung mapunta ka ng Baguio," anito sa sinumang kausap sa kabilang linya.
"Kuya Marky, sino po ang kausap niyo?" tanong ni Dan. Tinakpan ni Marky ang phone at binalingan ang bata.
"Kilala mo si Elijah Dominguez?" tanong nito kay Dan saka siya sinulyapan at nginitian. Nakaramdam siya ng excitement samantalang nagtataka si Wendy.
"Opo!"
Binalingan ni Marky ng kausap sa phone. "Narinig mo 'yon? Nandito sila sa Manila kaya tumuloy ka na sa Baguio!" singhal nito sa kausap saka ibinagsak ang telepono. Nakangiting binalingan ni Marky si Dan. "Pupunta rito ang Tito Elijah mo."
"Yehey! Mama, makikita ko ulit si Tito Elijah!"
"Elijah? As in The Elijah Dominguez?" tanong ni Wendy na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. Tumango siya. Hindi nga niya pala nakwento rito ang madalas na pagpunta ni Elijah sa Baguio. Ayaw niya kasi na mag-isip ng masama o kakaiba si Wendy. "Ano'ng nangyayari rito? Bakit dinadagsa ng mga gwapo at mayayaman itong flowershop mo?"
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...