Chapter Sixteen
A Night So Blue
"AYOS ka lang?" untag ni Wendy sa kanya. Ang totoo'y kabadong-kabado siya. Nasa labas sila ng ballroom sa loob mismo ng Twin Zodiac Philippines building. Hindi pa sila lumalabas sa kotse. Everything is fine but not her heart. Kinakabahan siya.
"'Wag na lang kaya akong pumasok?" tanong niya.
"Sira. Hindi pwede. Nandito na tayo."
Napakaraming kilalang tao sa loob ng building. Halos lahat ay mayayaman at mga bigating tao. May media pa. Natigilan sila nang may makitang dumating na kotse at bumaba mula roon si Mark Avery Loyzaga na naka-tuxedo at ubod ng gwapo. Pinagkakaguluhan agad ito ng media.
"I can't believe that handsome mortal is courting me," narinig niyang sabi ni Wendy. Napangiti siya. Nagpunta si Marky sa kotseng kinaroroonan nila. Binuksan nito ang pinto sa tabi ni Wendy.
"Ready, ladies?"
Tumango sila. Lumabas sila ng kotse. Nakaabrisete si Wendy sa kaliwang braso ni Marky at siya naman sa kanan. Wendy looks dashing in her silver, sexy gown while she's in a blue and less conservative gown. Greek-inspired ang gown na assymetrical ang top ng gown niya na hanggang talampakan ang haba.
"I'm with goddesses tonight," nagbibirong sabi ni Marky as they entered the building through the red carpet. Natawa siya while Wendy giggled.
Nang pumasok sila sa ball room ay hindi na siya gaanong nalula since isa siya sa mga taong nasa likod ng magandang flower arrangements ng lugar na iyon. Proud na proud sila ni Wendy sa naging creations nila. Ilang linggo nila iyong pinagtrabahuan.
"Wendy, nandito ang parents ko," sabi ni Marky sa nililigawan. Tumango si Wendy. Lumapit sila sa isang bilog na mesa. Mula roon ay nakilala niya agad ang parents ni Marky na nasa mid-50's. May kasama ang mga ito na ibang businessmen.
"Avery!" tawag ng ginang sa lalaki.
"Good evening, Dad, Mom. Good evening, gentlemen."
"Avery, mabuti at bumalik ka na. Balita ko ay ikaw na ang namamahala ngayon ng shipping lines ninyo. You had managed to save your business," anang isang lalaki roon.
"Yes, I'm glad too. I just needed to unwind a little."
"Balita namin, you had succeeded to invite other investors."
"That's true. Our company is doing well again," anito. "By the way, Dad, Mom, gentlemen, meet Ms. Sari Ignacio, my lifesaver and Ms. Wenela Dylan Illustre, my future wife."
Nagulat si Wendy sa narinig. Kinindatan ito ni Marky. Halatang nabigla rin ang mga naroon maging ang parents ni Marky. Mula ng bumalik si Marky sa kompanya nito ay itinayo nito ulit ang kompanyang muntik ng lumubog. Kasabay ng pag-ako nito sa responsibilidad bilang president ng kompanya ay pinalaya nito ang sarili mula sa anumang pag-uudyok ng mga parents nito.
"Good evening po," bati niya sa mga ito.
"Good evening everyone," sabi naman ni Wendy. Hindi umimik ang mga magulang ni Marky ngunit alam niyang wala ng magagawa ang mga ito.
"Baby brother!"
Napabaling silang lahat sa babaeng lumapit sa kanila. Maganda ito at nakangiti sa kanila. Humalik ito kay Marky at yumakap sa lalaki.
"Tama ba ang dinig ko na ikakasal na ang baby brother ko?"
"I'm not a baby anymore and yes, I'll be getting married kapag sinagot na ako ni Wendy. Proposal na kasi ang kasunod no'n." Pabiro itong tinampal ni Wendy sa balikat na tinawanan lang nito.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...