Chapter Five
A Future Crisis
Maliban sa mga ikinasal, naging center of attraction and interest ng pamilya nila ang biglang pagsulpot ng 'di umano'y girlfriend ng kuya nilang si Zee. Matapos ang kasal ay deritso sa honeymoon kinagabihan ang mga newlyweds. Nang makaalis ang mga bisita ay kinausap siya ng panganay nilang si Eli.
"Elijah, what made you come late?" mahinahon nitong tanong sa kanya. Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya kayang magsinungaling dito. Ito ang pinakamabait na kuya sa buong mundo. Sa lahat ng mga kapatid niya, ito at si Elisha lang ang hindi niya kayang loko-lokohin. Kaya ba niyang aminin dito na kaya siya na-late ay dahil buong gabi siyang nakipaglampungan kasama ang isang babae sa condo unit niya? Hindi niya yata kaya.
"Kuya kasi –"
"Minsan lang tayo magsama-samang magkakapatid. 'Wag mo ng ulit gagawin iyon."
"Yes, Kuya. Sorry po."
Tumango ito. "Pupuntahan ko si Ms. dela Rosa para kumbinsihing dito na muna manatili. Ituro mo sa kanya ang guestroom na tutuluyan niya. May meeting tayo at exactly eight PM in the library so don't be late."
"Yes, Kuya Eli." Iniwan na siya nito.
Around seven PM nga ay nasa library na sila pero hindi agad sila nagsimula since hindi pa dumadating si Eli. Nagkaroon ng diskusyon sa pagitan nina Zee at Star involving the rich heiress Yñez dela Rosa. May issue si Star sa bisita nila at tutol ito sa pagkakaroon ni Zee ng relasyon sa babaeng iyon.
"Are you sure na pinintasan nga ni Yñez ang mga designs mo?" tanong ni Elijah sa bunsong kapatid na babae. Ayon dito, pinintasan daw ng mga kaibigan ni Yñez ang designs nito noon. Star is working in Paris as a fashion designer. She maybe twenty-one years old but she already making a name on her own. Kahit bata pa ito ay meron na itong napapatunayan at walang ni isa sa kanila na mga kapatid nito ang kumukwestiyon sa kaya nitong gawin. Sa katunayan, they're all achievers in their own field of interests.
"She's one of them. Birds with the same feathers flock together."
"Matagal na 'yon. Baka nagbago na si Ms. Yñez," sabad ni S.
"She's not going to change. A brat will always be a brat!"
Naging mahaba pa ang diskusyon ng mga ito. At the end, Star yielded but still detests Ynez while Zee managed to convince everyone that Ynez is not a hopeless case. Natigil lang sila nang pumasok si Eli sa library.
"Guys, dito ba galing si Ynez?" tanong nito. Umiling sila. "Well, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto kanina. Baka napadaan lang siguro."
Walang ni isa sa kanila ang nakaimik.
"Sa mga balak mag-asawa, sa oras na mag-asawa kayo, magiging bahagi na ng council ang mga esposa or esposo ninyo. As for you, S and Star, you're still not allowed to join the meeting. Isa pa, related sa SGC ang meeting na ito na pareho kayong hindi involved. Sorry pero kailangan na ninyong bumalik sa inyong mga silid," nakangiting sabi ni Eli.
"Illegal ba ang topic ninyo at kailangang wala kami?" nagtatakang tanong ni S.
"That's an order," ma-awtoridad na sabi ni Zee. Si Zee ang superior ni S sa Black Stag International kung saan nagtatrabaho ang mga ito.
"Opo."
"Star, bakit parang 'di maipinta 'yang mukha mo? Cheer up, Star. Natatakpan ng pagsimangot mo ang maganda mong mukha. You're very beautiful, dearest. Keep on smiling," ani Eli. Ngumiti na agad ang bunso nila saka hinalikan sila sa pisngi. Lumabas na ang kambal. Lahat sila ay nagkanya-kanya na ng upo. Apat lang silang naroroon since nasa honeymoon si Elisha.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...