Chapter Seventeen
When Queen Intervene
"SORRY to ruin your proposal," sabi ni Jonathan. He closed the velvet box and returned it to his pocket. Pinulot niya ang bouquet at purse ni Sari. Tinitigan niya si Jonathan.
"You have no any idea what you've done, Mr. Morales," nagngingitngit na sabi niya.
"Ano? Sisirain mo ako? 'Di ba ginawa mo na? Naalis ako sa trabaho dahil sa'yo at sa mga maling paratang mo sa akin kaya sisirain din kita!" galit nitong sagot.
"Sisiguraduhin kong masisira ang buhay mo gaya ng ginawa mo kay Sari," bulong niya saka ito iniwan. Sinenyasan niya ang securities doon na ilabas ng ballroom ang lalaki. Papalabas na siya ng ballroom nang masalubong sina Marky, Wendy at Mara na humabol kay Sari kanina.
"We lost her," ani Wendy.
"Bakit mo hinayaang bastusin siya ng gagong iyon?" galit na galit si Marky. Ilang saglit pa ay inilabas ng security men si Jonathan. Nagwawala ang lalaki. Sa inis ni Marky ay sinuntok nito si Jonathan na napasubsob sa lupa. "Gago ka! Ang kapal ng mukha mo na saktan si Ate Sari! Hindi ka na nahiya!"
"Avery, stop that," awat ni Mara sa kapatid.
"Sir, ano'ng gagawin namin sa lalaking ito?" tanong ng head of security.
"May baril ka ba diyan?" tanong niya rito na ikinagitla nito pati na ng iba.
"Yes sir, but..."
"Give it to me," utos niya. Nagdadalawang-isip ang security head. "Don't worry officer. I know how to fire a gun, if that's what you're worrying about."
"Naloloko ka ba? May mga tao rito," paalala ni Marky.
"Kaya ko silang i-bribe para pumanig sa akin at para sabihing binaril ko siya dahil pinagtangkaan niyang saktan ang babaeng mahal ko. Kaya kong ipalabas na trespasser siya at balak niya akong pagnakawan gaya ng pagnanakaw niya ng pera sa firm na pinagtrabuhan niya," aniya saka iniabot ang baril at kinasa. "At wala siyang magagawa roon dahil isa lamang siyang walang kwentang tao samantalang ako si Elijah Dominguez. Isa siyang kriminal at ako ay isang taong pinoprotektahan lang ang sarili," dugtong niya saka itinuon ang baril kay Jonathan at pinaputok. Napatili ang mga babae samantalang napasigaw si Jonathan sa sakit at takot. Nasugatan ito sa braso nang mahagip ng bala.
"Hindi na ako gaanong nakakapag-practice. Don't worry, this time hindi na ako papalya," aniya saka muling ikinasa ang baril at iniumang sa lalaki. Sa takot nito ay nagtatakbo ito palayo. Ibinalik niya ang baril sa security head. "Thank you." Binalingan niya ang ibang mga naroon na shock sa mga nakita at nginitian. "Hope you enjoyed it," aniya sa mga ito saka kinuha ang kanyang cellphone at nag-dial ng number. Tinawagan niya ang lawyer niya.
"Attorney, I want you to chase the assets of a certain Jonathan Morales. I want him deprived all his finances as soon as possible. Don't worry, magpapaliwanag ako sa kakambal ko. Make it legal, ayoko ng hassle. Bye. Thank you."
Walang nakakibo isa man sa mga naroon. Parang nailag sa kanya.
"Masama ka talagang tao," maya-maya'y komento ni Marky.
"Pwede ko siyang ipapatay kung gusto ko, pero 'di ko ginawa. I want him to suffer. Sinira niya ang proposal ko at ipinahiya niya si Sari."
"Hindi ka naman siguro naniniwala sa mga aligasyon niya 'di ba?" ani Wendy.
"Sari used to work in a club but as a waitress, not as a sex worker," aniya. Nakahinga ng maluwag ang mga ito.
"Itutuloy mo pa rin ang proposal mo?" hopeful na tanong ni Mara.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasiaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...