Chapter Twenty-Four- Serenade

1.2K 54 4
                                    

Chapter Twenty-Four

Serenade


NAGISING Si Sari nang makarinig ng tugtog. Napakunot-noo siya nang maisip ang kanyang naging panaginip noon kaya inakala niya na nananaginip na naman siya. Tumingin siya sa wall clock. Alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Bumaba siya ng kama at kinurot ang pisngi niya. Hindi siya nananaginip. May music nga siyang naririnig pero hindi iyon galing sa isang piano. Binuksan niya ang pinto patungo sa balcony ng silid na tinutuluyan nila. Doon kasi nanggagaling ang naririnig niyang music. Madilim pa ang langit at ang liwanag sa palibot ng bahay ay gawa ng mga ilaw sa paligid.

"Good morning."

Nagulat siya nang makita si Elijah sa baba ng balkonahe. Nakatingala ito sa kanya at nakangiti. Napansin niyang hindi ito nakadamit pantulog. Imposible namang natulog ito suot ang isang white long sleeves at slacks na itim.

"Hey, good morning. Ang aga mong gumising ah," aniya.

"Actually, hindi pa ako natutulog."

Sabi na nga ba niya. "Bakit?"

"May pinag-aralan ako kagabi. Gusto kong ipakita sa'yo kung ayos lang."

"Sure," aniya kahit nahihiwagaan. Ang totoo ay lihim siyang kinikilig sa scenario nila. Siya na nasa balkonahe at si Elijah na nasa baba at nakatingala sa kanya. Parang nasa Romeo and Juliet sila. Nakangiti siyang nangalumbaba sa balkonahe at nakatingin sa nobyo. Natigilan siya nang mapansing may dala si Elijah na musical instrument. It was a violin.

Nang magsimula itong tumugtog ng violin ay namangha siya. Sa simula pa lang ay alam na niya kung ano ang awiting tinutugtog nito. Hindi siya pwedeng magkamali. 'Yon ang paborito niyang kanta. While Elijah was playing the violin, Sari was singing in her mind. She knew the song and its wonderful and moving lyrics.

Napangiti siya saka tahimik na lumuha. Sigurado siyang pinagpuyatan ni Elijah na kabisaduhin ang kanta para lang maialay sa kanya sa madaling araw na iyon. Napakaganda nitong tingnan habang tumutugtog ng violin. Malamang iyon ang dahilan kaya meron itong keychain na korteng violin. Ito ang tumupad sa pangarap niya na maharana. Higit pa sa kanta ang inaalay nito sa kanya. Inaalay nito sa kanya ang pag-ibig nito.

Matapos tumugtog ay nakangiti siya nitong tiningala.

"When you told me about the concept of 'harana', I was really thinking of serenading you but I was confused to where should I do it, sa bahay mo ba rito sa Manila o sa Baguio," pag-amin nito. Natawa siya pero puno ng kagalakan ang puso niya.

"Guess what, hinarana mo'ko sa bahay niyo," aniya.

He laughed. "Oo nga. Buti na lang alam ni Faye 'yong kanta. Nakatulong siya sa gig ko ngayon. I hope you liked it."

"I did. It was wonderful. You're wonderful, Elijah."

"Thanks. Sari."

"Yes?"

"I love you."

She smiled. "I love you, too."

"And I love you too, Papa!" sabad ni Dan na nasa tabi na niya pala at nakatunghay na rin kay Elijah. They laughed. Natigil sila sa pagtawa nang marinig na nagpalakpakan ang pamilya ni Elijah na nasa gilid lang pala ng garden at kanina pa nanonood. Nakapantulog pa ang mga ito at parang nanonood ng isang romantic film.

"Nabingwit na talaga ang ating Don Juan DeMarco," pumapalakpak na sabi ni Star.

"'Yan ba ang pinagpuyatan mo?" tanong ni Eli.

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon