Epilogue

1.2K 51 11
                                    

Epilogue


"Yeah, no wonder," sang-ayon ni Queen Diamond sa sinabi ni Ethan. Hindi na nga pala naglalaro ng mga 'live dolls' si Elijah dahil tumino na ito nang makilala si Sari. Sa katunayan ay ilang linggo ng kasal ang dalawa. Nauna lang ng dalawang buwan ang mga ito kina Zee at Yñez.

"Excuse me," aniya kina Erwan at Ethan matapos kumain. Nagtungo siya sa kanyang silid. Sa ibabaw ng CD player ay nakita niya ang video footage sa kasal nina Elijah at Sari. Eli sent it few days after the couple's wedding. Pinanood niya ulit iyon. Kapag napapanood niya ang videos ng mga kasal ng mga ito ay para na rin siyang naroon sa mismong kasal.

The wedding was simple. It was a garden wedding held in the flower farm that Sari owns. The motif was blue. Lahat ng ginamit sa kasal ay kulay asul. All the guest wore white but with floral prints. Iñigo officiated the wedding. Zara was the flower girl and Daniel was the Bible bearer. Sari's best friend Wendy was the maid-of-honor while Elisha was the best man. S played the piano as the bride walked in the aisle wearing a royal blue wedding gown without a veil. May dala itong bouquet ng mga bulaklak na may mga shades of blue. Ang gown ni Sari ay dinesenyo pa ni Star. Halter ang strap ng mga gown at body fit na hanggang talampakan at may slit sa gilid hanggang hita. Elijah on the other hand wore a tuxedo na katerno ng kulay na suot ni Sari.

As Sari walked in the aisle beautifully and elegantly, maririnig sa background ang isang Filipino love song na kinakanta ni Star. Napaka-moving ng kantang iyon na mapapansing naiiyak ang bride habang lumalakad. According to her sources, that was the bride's favorite song at hinarana minsan ni Elijah ang babae gamit ang kantang iyon.

After a while, the ceremony started. Habang nagsasalita ang pari ay mahahalata sa itsura ng ikinakasal ang tuwa at ligaya. Mahal na mahal ng mga ito ang isa't-isa. She forwarded the footage to the marriage vow scene. Humarap si Sari kay Elijah. Bago pa man ito magsalita ay naluha na ito.

"Wala munang iiyak," tukso ni Elijah sa bride nito. Pinigil ni Sari ang sarili at nagsimulang magsalita kahit garalgal ang boses.

"Elijah Dominguez, may aaminin ako sa'yo," simula ni Sari. Elijah stared at his bride curiously. "Noong unang beses pa lang kitang nakita, I already felt very attracted to you."

"Alam ko kung bakit. Dahil sobrang pogi ko," biro ni Elijah.

"Honestly, yes."

Nagkantiyawan ang mga guests partikular na ang pamilya ng groom. Elijah looked contented and proud. Sari smiled pero may kalakip na kalungkutan ang ngiti nito.

"Walong taon kong hinintay na magkita tayo ulit at dininig ng Panginoon ang dasal ko pero nanlumo ako nang malaman kong babaero ka at mailap sa tunay na pag-ibig. Maliban doon, napakatayog ng antas mo sa buhay. Hindi tayo magkatulad ng estado saan ko man tingnan."

"Sari..."

"Elijah, wala akong nakaraan na maipagmamalaki maliban sa katotohanang sinikap kong iayos ang buhay ko at ni Dan. Sa pangit kong nakaraan, ang makilala ka ang pinakamasayang bahagi. You had changed the course of my life. Thank you. Thank you very much.

But I'm not perfect kaya patawad kung may mga pagkakataong maduduwag ako. Patawad kung may mga pagkakataong hindi kita matutulungan. Pero kung kailangan mo ng suporta, naririto ako. Mamahalin, aalagaan at uunawain kita hanggang sa kaya ko. Aalalayan kita kapag kailangan mo. I will be your partner. Sa harap ng Diyos at sa harap ng mga naririto, Elijah, iyong-iyo ako gaya ng sa akin ka at ako lang ang mahal mo," mahabang wika ni Sari habang umiiyak. "Mahal na mahal kita Elijah."

"Mahal na mahal din kita," naiiyak na sagot ni Elijah.

Nagpalakpakan ang mga nakasaksi.

Queen Diamond clapped her hands. Alam na niya ang susunod na mga naganap. Isinuot ni Elijah sa left ring finger ni Sari ang Symphonian ring and they kissed. Officially, tatlo na sa mga kapatid niya ang kasal na in just a year. Ikakasal na rin si Eli although hindi pa sure kung kailan since nag-reschedule na naman ito. Wala namang reklamo si Debbie.

Kinuha niya ang remote at ini-off ang player. Alam niyang magiging maligaya ang mga ito. Wala ng problema si Sari tungkol sa ex-boyfriend nito. Hindi na iyon manggugulo dahil nalimutan na no'n si Sari. Ginamitan niya ang lalaki ng kapangyarihan niya at inilayo sa mag-asawa. Daniel is legally a Dominguez or Contreras.

Nang lumabas siya ng silid ay naabutan niya si Ethan na nakasandal sa corridor. Nasa ikalawang palapag sila at nakatanaw ito sa baba. Nang tingnan niya ang tinatanaw nito ay nagtaka siya at nag-alala. Nilapitan niya ito.

"Ethan."

Tumingin ito sa kanya. "Yes?"

Sinulyapan niya ang tinatanaw nito kanina, ang maid na si Marcie, bago muling ibinalik ang tingin sa binata.

"Alam kong binawalan kita na magkaroon ng sexual relationship as of now─"

"I don't desire that woman," agad na agaw nito sa mga sasabihin niya.

"Elijah suffered from the activation of the curse because he played with women's hearts before. He refused to fall in love by playing the feelings of others. Madalas pa rin siyang mahilo at hindi makahinga. Don't emulate such things nor deny it."

"Honestly, I don't feel anything for her but I do like her physically," prangka nitong sabi.

"Tao lang ako. May pangangailangan ako bilang lalaki."

"Don't touch her kung 'di mo siya mahal."

"I know that. You don't have to remind me," anito.

"Huwag ka na munang umuwi rito, Ethan," sabi niya. Hindi ito umimik. "Naguguluhan ka ba sa nararamdaman mo para sa kanya?"

"Ordinaryo lang siya but she succeed in getting my attention and fascination."

"Then I hope it will remain a fascination until you're ready to tie the knot."

"I'm not tying any knot," pasimple nitong sagot. Umalis na ito ng corridor. Sumunod siya rito. Pagbaba nila ng staircase ay nasalubong nila si Marcie na agad yumuko at umalis. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang tingin ni Ethan sa katulong. Kinabahan siya. Ethan is sexually attracted to Marcie. Delikado iyon. May sasabihin sana siya kay Ethan nang makita niyang palapit si Emman kasunod si Evan. Napaaga yata ang dating ng mga ito. Inutusan niya ang mga ito na manatili muna sa Kingdom of Hussldren para matiyagan ang mga nangyayari roon. Nagbabalita naman ang mga ito ng impormasyon sa kanya.

"Mi' lady," tawag ni Emman sa kanya na nagmamadali at humahangos.

"You're early than expected," aniya.

"May nangyaring 'di maganda," balita ni Evan na hinihingal din.

"Ano?"

"Si Señorito Ephraim..."

"Bakit? Ano'ng nangyari kay F?" bigla siyang kinabahan.

"Mi' lady, few days ago ay napabalitang nawawala si Princess Alxiara of the Kingdom of Hussldren. Natagpuan na ang prinsesa," balita ni Emman.

"So ano ang kinalaman no'n kay F?" alam niya ang balita sa pagkakadukot sa prinsesa.

"Mi' lady, ang napapabalitang dumukot sa kanya ay si F Harris."

"What!" bulalas niya.

"They imprisoned him, Mi' lady. Sa batas ng Hussldren, ang pagdukot sa isang royalty ay equivalent for a capital punishment. Kapag napatunayang may kinalaman nga siya sa pagdukot sa prinsesa, they will hang him."

Parang nayanig siya sa balita. Isa na namang problema.

"Maghanda kayong apat. Pupunta tayo ng Kingdom of Hussldren!" deklara niya. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga kapatid niiya. Maging ang isang makapangyarihang monarkiya ay kakalabanin niya alang-alang sa kanyang pamilya. Para ano pa at tinagurian siyang Queen kung wala siyang magagawa.

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon