Chapter Six
Mother and Son
TANGHALI na nang magising si Elijah. May naririnig siyang ingay sa labas. Nang magpunta siya sa balkonahe ay napangiti siya. Mula roon ay nakikita niyang naliligo sa pool ang mga kapatid niya. Napansin niya ring kasama ng mga ito si Yñez. Lumabas siya ng kanyang kwarto. Pababa na siya ng staircase nang masalubong si Yñez na basang-basa at nakasuot pa ng pajamas.
"Ate, nakaganyan ka nang maligo?" mangha niyang tanong. Ate ang tawag niya rito since mas matanda ito kesa sa kanya at girlfriend ito ng Kuya Zee niya.
"Nakatuwaan ko lang," nakangiti nitong sagot. She looked happy while carrying three kittens na sigurado siyang premyo nito sa videoke kahapon. Iniwan na siya nito. Malapit na siya sa pool nang masalubong ang Kuya Zee niya na galing pa sa paliligo. Ni hindi siya nito pinansin kahit binati niya ito ng 'good morning'.
"Good morning, Uncle Elijah!" bati ni Zara sa kanya. Pamangkin niya ito at anak ni Eli.
"Good morning, little one." Lumapit ang bata sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Kain ka muna, Elias," yaya ni Iñigo sa kanya. Nasa swing ito at maganang kumakain. Binalingan niya ito.
"Elias?"
"Elias is the Latin form of your name. O gusto mong tawagin kitang Elis or Eliyyahu."
"I prefer Elijah, Father," aniya at nilapitan ito. Kumuha siya ng pork barbeque at nilantakan iyon. Tumabi siya kay Iñigo sa swing. "Kailan ka babalik ng Spain?"
"Ayaw mo na ba ako rito?"
"Of course not! Tinatanong ko lang para mai-schedule ko kung kailan kita dadalhin sa
isang club," pilyo niyang sagot. Natawa ito.
"'Wag mong turuan ng kabalbalan ang pinsan natin, Elijah!" paalala ni Eli sa kanya. Mukhang narinig nito ang usapan nila. "Baka maisipan mong dalhin 'yan sa red light district dito, malalagot ka sa akin."
"Paano kung kusa siyang sumama?" dare niya.
"Ipapa-deport ko 'yan pabalik ng Spain."
Nagtawanan sila ni Iñigo. Kahit noon pa ay nagtataka na siya kung bakit naisipan ni Iñigo na mag-pari gayong gaya nila ay magandang lalaki naman ito at mabait. Hindi ito nagmana sa nanay nito na balita niya ay tigresa raw ang ugali.
"Maiba tayo kuya –este Father pala," hininaan niya ang boses.
"You can call me, Kuya."
"Okay. Kuya, talaga bang gusto mong maging pari?" usisa niya. Nginitian siya nito. "O nagpari ka lang dahil iyon ang gusto ng mga magulang mo?"
"I believe it's my call, Elijah."
"Pero hindi ka man lang ba nagkagusto sa isang magandang babae bago nag-pari?"
"Nagkagusto? Marami naman akong nagustuhan."
"I mean, what about love? Wala ka bang minahal?"
"Kung may minahal man ako, dapat mahal ko pa rin hanggang ngayon. Fortunately, bago pa ako na-in love sa isang babae eh na-in love na ako sa Kanya," sagot nito. Halatang masaya ito sa naging kapalaran. "Ikaw? Wala ka bang balak magpari?"
"Ako? Hindi na ako virgin eh," nakangisi niyang sagot.
"Bakit? Hindi naman nila ako ni-reject ah," komento ni Iñigo na ikinagulat niya. Malakas itong natawa nang mapansing gulat na gulat siya. "Elijah, sinabi ko na hindi pa ako nai-in love pero hindi ko sinabi na wala akong experience."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...