Chapter Eight
The Man From Her Past
INAYOS ni Sari ang isang bouquet ng mga tulips na in-order via phone. Hindi iyon ang unang beses na may nag-order ng gano'n at mula sa kaparehong costumer. Sigurado siyang napag-utusan lang ang babaeng nakausap niya kanina.
"Ma'am, ako na po riyan," sabi ng isang flowershop attendant niya. Ipinaubaya na niya rito ang pag-aayos ng mga bulaklak sa bouquet. Kung titingnan ay hindi bagay si Marky sa flowershop. Gwapo, matangkad at maganda ang pangangatawan ni Marky. Pwede itong model o artista. Maliban doon, napansin niyang mukha itong may kaya pero aminado si Sari na mahusay itong mag-handle ng mga bulaklak. Kabisado nito ang pangalan ng mga paninda roon pati na ang ilang information tungkol sa mga iyon. Magaling din ito sa salestalk. Napapadalas nga ang mga babaeng costumers nila dahil dito.
"Marky, ilang taon ka na nga ulit?"
"Twenty-five, Ma'am."
"Base sa resume mo, college level ka pero honestly, hindi ako kumbinsido roon," matapat niyang sabi. Napatingin ito sa kanya, mukhang nag-aalala.
"Bakit po, ma'am?"
"You're good with your job. Gusto kita kasi nakikita kong mahal mo ang mga bulaklak at maayos kang magtrabaho pero may pakiramdam ako na may inililihim ka sa akin. You're not an ordinary man, I'm sure," aniya. Mukhang nasapul niya ito kasi natahimik ito at nag-iwas ng tingin. "Anyway, I hope it's not that morbid."
"I'm not a criminal ma'am, nasisiguro ko po iyon sa inyo."
"Hindi ka naman mukhang criminal sa akin. Mukha kang killer," sagot niya na ikinagulat nito. Ngumiti siya. "Chicks killer." Ngumiti na ito. "Kindly deliver that bouquet immediately."
"Yes, Ma'am Sari."
Papalabas na ng flowershop si Marky nang masalubong si Wendy. Muntik pang tamaan ng bouquet ang kaibigan niya pero agad namang nag-sorry ang lalaki. Napansin agad ni Sari ang pagtitig ni Wendy sa flowershop boy niya bago ito lumapit sa kanya. Umalis na si Marky.
"Sino 'yon?"
"Marky. He's my new flowershop boy."
"Flowershop boy mo 'yon? Kasali ba sa requirements dito ang tall, handsome and everything nice?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Wendy. Natawa siya. "'Yong totoo, bakit ang gwapo no'n? Kahawig pa si Rafael Rosell."
"Wag mong pagpantasyahan 'yong flowershop boy ko."
"Ilang taon na ba 'yon?"
"Twenty-five."
"Ang bata pa pala."
"Hindi naman kayo nalalayo ng edad. Twenty-eight ka pa lang naman."
Sumimangot si Wendy. "Sige. Ipaalala mo pa sa akin ang edad ko. Ikakayaman mo talaga 'yan." Lalo lang siyang natawa. "Pero parang pamilyar sa akin 'yong Marky mo. Parang nakita ko na siya noon pero hindi ko lang maalala."
"Baka kahawig lang niya."
"Siguro. Anyway, forget the flowershop boy. May bago tayong raket ngayon," excited nitong sabi. Nag-usap sila sa office niya. Maliit lang ang opisina niya sa shop na iyon. Mula ng mag-branch out sila sa Maynila ay mas natutok ang atensiyon niya roon. Iyon ang nagsisilbing contact ng mga customers sa flower farm niya sa Baguio. May itinalaga siyang trusted personnel sa branch sa Baguio at si Nanay Rosalie naman sa flower farm pero every Sunday ay umuuwi siya para personal na kumustahin ang pamamalakad. Matatawag niyang malaking sakripisyo ang pagkakalayo kay Dan. Doon kasi ito nag-aaral at nagpupunta lang sa Maynila every weekend para bisitahin siya. Kasama niya itong umaakyat ng Baguio tuwing Linggo.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...