Chapter Twenty-One
The Right Choice
IYON ang ikatlong beses na umapak si Sari sa mansiyon ng mga Contreras. Nalulula pa rin siya sa yaman ni Elijah. Nakakapanliit isipin na magiging asawa niya ang isa sa pinakamayamang lalaki sa mundo. Pinalipas muna nila ang dalawang araw bago nagbalik sa siyudad. Sa pagbabalik nila ay malakas na si Elijah.
"Elijah!" masayang salubong ni Elisha sa nobyo niya. Agad na nagyakap ang mga ito. Naroon din ang ibang tao na nakita niya noon sa kasal ni Faye. Nakatingin sa kanya ang mga babae na naroon pero hindi naman galit o naiinis. Nakangiti pa nga ang mga ito sa kanya.
"Si Kuya Eli?" tanong ni Elijah sa kakambal nang maglayo ang mga ito.
"Nasa library siya."
"I need to talk him," anito saka bumaling sa kanya. "Guys, meet Sari Ignacio, my fiancée," pakilala nito sa kanya. "Sari, kilala mo na sina Elisha at Faye. Mga bunso naming sina S at Star. Debbie is Kuya Eli's fiancée. Kapatid ko rin si Eli Aragon. Wala pa dito ang Kuya Zee namin pati na si F."
"Kapatid mo rin ang mga iyon?"
"Oo. Walo kami." Tumango siya. "Kakausapin ko muna si Kuya Eli." Iniwan siya nito.
Nilapitan siya ni Faye. "Welcome, Sari." Nagyakap sila.
"Bukas pa dadating si Kuya Zee while baka nandito na mamayang hapon si F," sabi naman ni Elisha. Sumama siya sa mga ito sa living room.
"Nagtalo ba ang kuya ninyo at si Elijah?" usisa niya.
"Hindi lang nagtalo. Sinuntok nga ni Kuya Eli si Kuya Elijah eh," sagot ni S na agad siniko ni Star. "Hey! Masakit 'yon ha!"
"Sinuntok? Kaya ba may pasa sa mukha si Elijah?"
"Brotherly quarrel," sabi ni Debbie. Huminto siya. Napahinto rin ang mga ito at napatingin sa kanya. "Anything wrong, Sari?"
"Ano'ng ginawa ni Elijah para masuntok siya ng kuya ninyo?" tanong niya. Mukhang nagdalawang-isip pa ang mga ito na sagutin siya. "Dahil ba sa akin?"
Lumapit si Elisha sa kanya nang nakangiti. "Magkakaayos din sila."
"Ayoko na dahil sa akin ay masira ang relasyon niya sa inyo."
"Wala namang relasyong nasira, Sari. May 'di pagkakaunawaan lang. May mga nasabi si Elijah na bunsod lang ng kanyang pag-aalala at galit pero hindi niya iyon sinasadya," paliwanag ni Faye.
"You don't have to worry, Ate. Kuya Eli is the nicest brother," ani Star.
"Now I know why Kuya Elijah loves you," sabi naman ni S. "Ang bait-bait mo, ate. Si Kuya Elijah naman eh minsan nawawalan ng bait," biro pa nito. Siniko ito ni Star. "What?"
"Shut up."
NADATNAN ni Elijah si Eli na nakaupo sa swivel chair sa library. May binabasa itong libro. Kahit nakapasok na siya ay hindi man lang ito nag-angat ng tingin.
"Pumasok na po ako kasi bukas naman ang pinto," aniya. Hindi pa rin ito kumibo. Napabuntong-hininga siya. Ayaw niya na nagtatampo ito sa kanya dahil nakokonsensya siya. Paborito niya itong kuya dahil sa mabait ito at pasensyoso. Bihira itong magalit o magtampo at batid niyang mahirap hingian ng kapatawaran ang ginawa niyang 'di maganda sa ate nila. Kahit may masamang ugali ang ate nila, alam nilang lahat kung gaano ito kamahal ni Eli.
"Sorry, kuya."
"Bakit ka sa akin humihingi ng sorry? Hindi ako ang pinagsalitaan mo ng masasakit. Sa kanya ka mag-sorry," malamig nitong sabi na hindi man lang tumingin sa kanya. Nasaktan siya pero tama naman ito. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng library.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...