Chapter Four- She Who Catches the Wedding Bouquet

1.1K 58 3
                                    

Chapter Four

She Who Catches The Wedding Bouquet


SA KABILA ng mga delays ay natuloy pa rin ang kasal nina Faye at Elisha. Naiyak pa siya sa marriage vow ni Faye. Doon niya naramdamang nagmamahalan talaga ang dalawa. In less than an hour ay inihayag ng mag-asawa ang dalawa. Nagtuloy agad ang lahat sa reception na doon rin sa garden gaganapin.

She congratulated the newly weds na masayang-masaya. After that, nagpunta na siya sa kinaroroonan ng pagkain dahil kanina pa talaga siya nagugutom. Natigilan siya at kinabahan nang mapansing nauuna sa kanya si Elijah. Para na nga yatang lalabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib nang malingunan siya nito at saka nginitian.

Hindi siya nito kilala o naaalala.

"Hi," he greeted her.

"Hello," bati niya rin rito. Kinakabahan siya at hindi niya masalubong ang titig nito kasi nahihiya siya.

"Who invited you? Faye or Elisha?"

"Both." Halatang naguguluhan ito. Sigurado siyang iniisip nito kung sino siya. May sasabihin pa sana ito nang kunin ng blonde na lalaki ang atensiyon nito.

"Kuya, ba't ka nahuli kanina?"

"Secret," nakangising sagot ni Elijah. Kumukuha na sila ng pagkain. Dahil malapit lang siya sa mga ito ay naririnig niya ang usapan ng dalawa.

"Secret daw. I'm sure babae ang kasama mo kagabi."

"Tumigil ka na, baka marinig ka pa ni Kuya Zee –"

"Meron ba akong hindi dapat marinig?" sabad ng lalaking topic ng mga ito. Parehong natameme ang dalawa at napansin niyang umalis agad ang blonde na lalaki. Bahagya siyang sinulyapan ni Zee bago ito tumingin kay Elijah. "Wag mong sabihin na balak mo ring magpa-late sa kasal ni Eli?"

"Sorry na kuya. Hindi na muulit."

"Ilagay mo sa tamang lugar 'yang pambababae mo. Delayed ang kasal ng dahil sa'yo," kastigo nito kay Elijah.

"Dahil rin sa girlfriend mo."

"With or without her, dapat mas maagang nagsimula ang kasal."

"Opo. Sorry po ulit."

Matapos kumuha ng pagkain ay umalis na si Zee. Ang pagkakaalam niya ay girlfriend nga ni Zee ang babaeng walang malay kanina. Mula pa raw iyon sa New York. Napatingin sa kanya si Elijah saka ngumiti. Wala sa loob rin siyang napangiti. Mukhang napaka-jolly nitong tao at lahat ng makita o makilala ay nginingitian.

"Nakakahiya. Narinig mo akong napagalitan."

"He seems like a brother to you."

Tumango ito. "Sort of. I'm Elijah Dominguez."

"I'm Sari Ignacio."

Nag-handshake sila. Ramdam niya ang tila kuryente na dumaloy sa kamay niya at dumiretso yata sa puso niya. It's the same hand that touched her before. Para pa nga siyang naghinayang nang maglayo ang mga kamay nila.

Lumapit na naman ang blonde na lalaki.

"Kuya, ilabas mo raw ang videoke machine. Magkakantahan daw tayo."

"Okay."

"At ikaw na raw ang nakatokang magpasalamat sa lahat. Parusa mo raw 'yon sabi ni Ate Faye," nakangising sabi ng binata saka iniabot kay Elijah ang isang papel na sa tingin niya ay listahan. Tiningnan nito iyon pagkuwa'y napatitig sa kanya.

"You're the florist?"

"Yes."


"SA MGA 'di nakakaalam, frustrated theater actress ang bride," pambubuking ni Elijah.

"Aspiring, hindi frustrated," correction ni Faye. Natawa sila. Matapos ilabas ang videoke machine ay sinimulan na ni Elijah ang pambubuko sa newly weds.

"Sis-in-law, pagbibigyan ka naming bumirit since this is your day. Elisha, bro, since kasal ka na, titiisin mo ang medyo sintunadong boses ni Faye forever," biro na naman nito. Hindi na yata matitigil sa kakatawa ang mga guests.

"I love and will always love her, off-tune or not," Elisha replied. Kinurot ito ni Faye. Umugong ang tuksuhan mula sa mga bisita.

"Habang kumakain tayo ng masarap na tanghalian –actually, late lunch na ito– hayaan niyo akong pasalamatan ang ating mga bisita in behalf of the newlyweds. The couple would like to thank Star Montero for the wedding gown and groom's suit. Thank you also for Miss Wendy Illustre, the wedding planner and coordinator and Miss Sari Ignacio, the florist, for the lovely white roses around us. Sa'yo ako oorder ng mga bulaklak na ipapadala ko sa mga gfs ko," mahaba nitong sabi saka siya binalingan at kinindatan. Obvious na playboy ito at hindi nito iyon idini-deny.

"May bagay na kanta para sa'yo, Elijah," ani Faye.

"Ano?"

"Babaero." Nagtawanan ang mga naroroon. Pati si Elijah ay natawa. Nagpatuloy ito sa pasasalamat sa mga guests at ang ilan pa ay mga sponsors ng honeymoon at vacation ng newly weds. In-acknowledge rin nito ang presence ng mga mahahalagang tao sa buhay ng bagong kasal. Nalaman ni Sari na ang blonde na lalaki pala ay si S Montero na kakambal ng designer ng wedding gown ni Faye na si Star. In-acknowledge rin ang presence ni Yñez dela Rosa, ang girlfriend ni Zee na agad inulan ng tukso.

"Last but not the least, I would like to thank myself. Kung wala ako, hindi matutuloy ang kasalang ito," biro ni Elijah na tinawanan ng lahat since late nga naman itong dumating kanina. Napangiti siya sa lakas ng sense of humor ng lalaki. Ito ang tipo ng tao na kapag kasama mo ay walang dull moments. "Bro, Faye, congratulations ulit sa inyong dalawa. Sana makarami kayo and best wishes."

Matapos magpasalamat ay sinimulan na ang kantahan. Nagkasya na lamang si Sari sa pagkain at panonood at pakiking sa mga kumakanta. Sa mga oras na iyon, ang buong atensiyon niya ay na kay Elijah Dominguez lamang. Naaliw din siya sa mga kumanta lalo na nang kumanta ang girlfriend ni Zee ng isang OPM song na gustong-gusto pa naman niya.

"Naku, 'yong isa sa mga favorites mo pa talaga ang kinanta niya," sabi ni Wendy sa kanya. Ngumiti si Sari at humanga sa katapangan ni Yñez na kahit gumewang-gewang na ang pagkanta ay tuloy pa rin. Tuwang-tuwa ang babae nang makakuha ng 100 points sa videoke. Inulan na naman ng tukso ng mga naroon si Zee lalo na dahil nalaman nila na nagkaroon pala ito ng pustahan at si Yñez na kung makakuha ng 99 points ang babae ay bibilhan ito ng mga pusa ni Zee. Nanalo ang babae sa pustahan.

Ilang oras ang lumipas ay nagdesisyon ng umalis ang newlyweds. Nagulat si Sari nang hilahin siya ni Wendy papunta sa may nagtitipong mga kababaihan.

"Ihahagis na ang bouquet!" excited na sabi ni Wendy. Ihahagis na pala ni Faye ang wedding bouquet nito. Ang totoo ay hindi naman siya naniniwala sa pamahiing ang makakasalo ng wedding bouquet ay siyang susunod na ikakasal. Ilang taon na siyang gumagawa ng wedding bouquet at wala namang interesante roon maliban sa katotohanang iyon ang bulaklak na dala-dala ng bride sa kasal nito.

Tiningnan ni Sari ang kasama niyang mga babae roon. Napansin niyang determinado si Wendy na masalo ang bouquet. Mukhang iyon din ang gusto ni Yñez at ng iba pa. Dahan-dahan siyang umatras at lumayo kasi wala siyang balak makipag-agawan sa mga ito. Nagulat na lang siya nang makarinig ng tilian ng mga babae at may tumama sa ulo niya.

"Aray!" sigaw niya saka natigilan nang bumagsak sa mga kamay niya ang wedding bouquet at narinig ang palakpakan nga tao sa paligid niya. Tuwang-tuwa siyang nilapitan ni Wendy at tila kilig na kilig.

"Congrats, mare!"

Ngumiti na lamang si Sari. Hindi naman niya kailangan ng bouquet since kayang-kaya niyang gumawa ng ganoon at pinaliligiran na siya ng mga bulaklak araw-araw. Nang mapansin niya si Elijah na pumapalakpak habang nakangiting nakatingin sa kanya ay bigla siyang kinabahan. Nag-iwas siya ng tingin at tiningnan ang wedding bouquet. Paano nga kaya kung siya ang sunod na ikasal at si Elijah ang mapakasalan niya?

Kapag ganoon ang nangyari, siya na nga siguro ang pinakamasaya at pinakamapalad na babae sa buong mundo.

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon