Chapter Nine
About Older Women
"REMI."
Binalingan siya ng kanyang secretary na may ginagawa sa desk nito. "Yes, sir?"
"Nagawa mo na ba 'yong inutos ko sa'yo kanina?"
"'Yong flowers, sir? Opo. Naipadala ko na kay Cielo. I made the message very gentle so that she can easily accept the break-up."
"Sino'ng nakausap mo sa phone nang mag-order ka ng flowers?"
"Yong lalaking attendant, sir."
"Lalaki na naman?" takang-taka siya. Magtu-two weeks na mula ng huli silang magkita ni Sari. Naging busy siya sa trabaho kaya 'di niya ito nadadalaw. Gustuhin man niyang makita ang mag-ina ay hinihila siya ng trabaho. Madalas siyang magpa-order ng mga bulaklak kay Remi sa flowershop nito. Noon ay si Sari mismo ang sumasagot pero ilang araw na ang dumadaan na iba na ang tumatanggap ng tawag. Nang minsang papuntahin niya roon si Remi ay wala raw ang may-ari. Bigla tuloy siyang nag-alala.
"Elijah." Napabaling siya kay Elisha. Kahapon lang ito dumating kasama si Faye mula sa honeymoon. "Busy ka ba?"
"Hindi naman. Bakit?"
"May lunch meeting dapat akong pupuntahan pero tumawag si Faye. Masama raw ang pakiramdam niya."
"Buntis na? Ang bilis ah!" nakangisi niyang tanong.
"Sira. Nag-seafood trip kami kagabi. Baka may nakaing masama."
"Pero mas maganda kung baby 'yon."
"You wish. Hindi pa nag-mo-morning sickness ang babae kapag wala pang isang buwan na buntis," natatawang sagot ng kakambal niya.
"Ganon ba? Bilisan niyo kasi ni Faye."
"Gumawa ka ng sarili mong anak. Mag-asawa ka."
"Ayoko. Hindi ko pa time."
Napailing ito. "Ano na? Ikaw na ang pumunta sa meeting ha? Uuwi ako ng maaga."
"Okay. Magpapanggap akong ikaw. Hindi na nila mapapansin ang kaibahan," natatawa niyang sabi. Kinunutan siya nito ng noo. "Oo na. Dadalo ako bilang ako."
"Remi, nagpapadala pa rin ba ng flowers itong boss mo sa mga babae niya?" tanong ni Elisha sa kanyang secretary.
"Dalawa po ang pinadalhan niya this week, sir."
"May nadagdag ba sa listahan?"
May kinuhang folder si Remi. Napangiwi siya dahil listahan pala iyon ng mga flings niya. Napaka-efficient talaga ng bago niyang secretary.
"Wala po. Madalas siyang magbawas ng flings ngayon pero 'di pa po siya nagdadagdag."
"Nandiyan pa rin ba sa listahan 'yong magandang boxing instructor sa gym na pinupuntahan niya," tanong ng kakambal niya.
"Last week pa po 'yong wala rito pati na rin po 'yong kasabay niya minsan sa target shooting. Hindi naman po naging sila no'ng sharp shooter kaya 'di ko na lang po pinadalhan ng bulaklak, Sir," update ni Remi.
"Hindi ko alam na nagre-report na pala sa'yo ngayon ang secretary ko," puna niya.
Elisha smiled at him. "I think I just heard a good news. Keep it up, brother. Nagma-mature ka na. Magbawas ka ng magbawas ng mga babae hanggang sa isa na lang ang matira."
"Paano kung walang matira?"
"Ibig sabihin no'n, may plano ka ng sundan ang mga yapak ni Kuya Iñigo."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantastikSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...