Chapter Fifteen
First Night of Transformation
NAGISING si Elijah na mabigat ang pakiramdam. Para siyang lalagnatin. Wala siyang ginawa kundi matulog at mahiga sa kama niya. Tumawag lang siya sa opisina upang magsabing hindi siya makakapasok. Tanghali na nang pilitin niyang bumangon. Mahilo-hilo na siya ng lumabas ng kanyang kwarto. Kumakapit siya sa anumang mahawakan niya. Pumunta siya sa kusina. Nauuhaw kasi siya.
Kumuha siya ng baso. Sobra siyang nanghihina kaya nabitawan niya iyon at nabasag. Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel ng tubig. Tumungga na lamang siya saka iyon ipinatong sa mesa. Hilong-hilo siya dahilan upang muntik na siyang sumubsob sa sahig nang makarating siya sa sala. Buti na lang at nakahawak siya sa sofa. Padapa siyang nahiga roon.
"Sari..." tawag niya sa babae. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Gusto niyang marinig ang boses nito. Inabot niya ang cordless phone at nag-dial siya ng number. Tinawagan niya ang flower shop.
"Daniel's flower shop, what can I do for you?" boses lalaki ang sumagot.
"Marky?" mahina ang kanyang boses kaya 'di niya alam kung nabosesan nito.
"Hello? Sino 'to?"
"Ako 'to, Loyzaga."
"Elijah Dominguez?" paniniyak nito. "Why did you call? What's wrong? May sakit ka ba? Parang ang hina yata ng boses mo."
"Let me talk to Sari."
"Wala siya dito. Umalis sila ni Wendy."
"Tell her na kinukumusta ko siya," bilin niya rito saka ini-off ang phone. Nabitawan niya iyon. Mahinang-mahina na siya. Sinulyapan niya ang table calendar na nakapatong sa coffee table. Sa pagsapit mamaya ng gabi, it will be a full moon. Inisip niya kung sino sa mga kapatid niya ang nasa bansa. Naisip niya na siya lang ang nasa Pilipinas ngayon. Nag-iisa siya.
Sa loob ng mahigit isang buwan na pagkakakilala niya kay Sari, wala siyang kamalay-malay na ang simpleng pag-alam sa mga daily activities nito pati na ang pag-akyat niya ng Baguio every weekend ay siyang magiging daan upang makilala niya ng husto ang babae. Hindi niya naisip na ito ang makakapag-activate ng isang namanang sumpa mula sa angkan nila. Kay tagal niyang iningatan ang sarili mula sa mga babae. Natakot siyang umibig. Laro lang ang lahat sa kanya pero hindi niya naihanda ang kanyang sarili nang dumating si Sari sa buhay niya.
Napaungol siya at natutop ang kanyang dibdib. Parang pinipiga iyon na kung ano. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang sumagap ng hangin. Napaluha siya sa sakit.
"Kuya Eli... Kuya Zee... Elisha..." tawag niya sa kanyang mga kapatid. Muli niyang inabot ang cordless phone. Bago pa niya mai-dial ang number ng kung sino sa mga kapatid niya ay nawalan na siya ng ulirat. Then he dreamed about something that happened more than eight years ago.
GALIT na galit na umuwi si Elijah sa bahay nila nang malaman niyang natagpuan na ng ate nila sina Elisha at Faye na ilang buwan ding nagtanan. Nag-cutting classes siya para lang makauwi. Pagdating sa mansiyon ay agad niyang nabungaran ang Kuya Eli at Kuya Zee nila. Nasa sala ang mga ito. Naririnig niya ang boses ni Elisha mula sa taas ng bahay.
"Where's Elisha?"
"Don't interfere," utos ng Kuya Zee nila. Umiling siya saka umakyat sa ikalawang
palapag ng bahay. Nagtungo siya sa silid ni Elisha. Natigilan siya nang makitang nakaluhod sa harapan ni Queen Diamond ang kakambal niya. Umiiyak ito. Nagmamakaawa.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...