Chapter Eighteen- Elijah's Dilemma

1.2K 48 6
                                    

Chapter Eighteen

Elijah's Dilemma


SYMPHONY Mansion.

Dumating sa bansa ang ilan sa mga kapatid niya namely Eli, S and Star pati na sina Debbie at Zara dahil sa love story ng Kuya Zee niya at ni Yñez. Nabalitaan niyang naging magulo ang buhay-pag-ibig nito kaya ngayon ay nagbabakasyon ito. Pero kung ang Kuya Zee niya ay pinagtataguan ang babaeng mahal nito, siya nama'y hinahanap si Sari. Hindi na ito muling nagpakita sa kanya. Hindi niya rin ito nakita sa Baguio. Pati si Dan ay dinala nito. Ilang linggo na itong nagtatago mula sa kanya. Malapit na naman ang full moon at hindi pa niya ito nakikita.

"Elijah, totoo ba 'yong narinig kong balita?" tanong ni Eli sa kanya habang nagla-lunch.

"Ano pong balita?" tanong niya pero may ideya na siya kung ano ang balitang nasagap nito. Napansin niyang sinulyapan siya nina Elisha at Faye na naroon din. May alam ang mag-asawa. Maraming reporters ang nangulit sa mga ito pero walang sinabi ang mga ito na kahit ano. Ang tanging lumabas na balita ay gawa-gawa lang ni Jonathan ang mga akusasyon dahil hindi ito pinansin ni Sari bilang manliligaw. Marami tuloy ang naging interesado sa buhay ni Sari, kung paano niya ito nakilala at kung paano sila 'nagkaanak'. Ganon pa man, dahil bigla itong nawala at ang pamilya nito ay walang makuhang impormasyon ang mga reporters.

Sa hindi malamang dahilan ay wala ring nagpatotoo sa akusasyon ni Jonathan na dating nagtatrabaho sa club si Sari kaya naman naging isang malaking sinungaling ang lalaki. Naungkat tuloy ang paglustay nito sa pera ng dating pinagtatrabahuang business firm at ito ngayon ang hinahabol ng batas. Pabor man iyon sa kanila ay nakapagtataka pa rin. Pakiramdam niya ay may nagmanipula sa balita. Dahil sa mga naganap sa TZP anniversary, bigla ay parang naging mala-telenobela ang love story nila ni Sari. Marami na ang nagsusulputang mga kwento tungkol sa umano'y forbidden love story nila ng babae.

"May nabasa kasi akong balita tungkol sa'yo. Totoo ba na dati mong lover si Miss Sari Ignacio? Dahil hindi raw siya gusto ng pamilya mo ay hindi siya ipinakasal sa'yo. Nagkaroon pa nga raw kayo ng anak at kamakailan mo lang iyon nalaman. Naging babaero ka raw para malimutan siya but eventually, nagkita kayo ulit sa isang wedding which was Elisha and Faye's wedding at nagkabalikan," sagot ni Eli na kalmante lang.

Biglang naubo si S. "Seriously?"

"Ano'ng klaseng balita 'yan?" reaksiyon ni Star na natatawa. Napailing na lang siya. Isa 'yon sa mga kwentong nagsi-circulate ngayon sa media tungkol sa love story 'kuno' nila ni Sari.

"That's not true, Kuya," sabi ni Elisha.

"Iyon din ang naisip ko. Ang alam ko naman kasi ay choice ni Elijah ang pagiging 'Don Juan' niya at hindi kagagawan ng sinumang babae. Imposible rin naman kasi na makipag-relasyon siya sa iba kung may mahal na pala siyang babae noon pa," sabi ni Eli saka siya sinulyapan. Alam ni Elijah na pinariringgan siya ng kuya niya at lihim nitong pinapaabot sa kanya na kung umibig o umiibig man siya ay siguradong malalaman nito. Hindi naman kasi iyon imposible sa pamilya nila.

"Naging fling mo ba si Miss Sari, Kuya?" tanong ni S sa kanya.

"No. Hindi ko siya kailanman naging fling," sagot niya.

"Pero bakit nali-link siya sa'yo?" tanong naman ni Star. Hindi siya kumibo kaya sina Elisha at Faye ang salitan na nagpaliwanag tungkol sa nangyari sa TZP anniversary. Nakinig lang siya pero wala na sa kinakain o usapan nila ang isipan niya.

"Are you all right, Uncle Elijah?" tanong ni Zara Lee sa kanya na katabi niya.

"Yeah. I'm fine," pinilit niyang ngumiti sa pamangkin pero ang totoo ay nag-aalala na siya ng husto kina Sari at Dan. Kahit sina Wendy at Marky ay hindi alam kung nasaan ngayon ang mag-ina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung saan maghahanap. Ayaw niyang isipin na tuluyan ng mawawala sa kanya si Sari. He can't live without her.

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon