Chapter Eleven- Story of Her Life

1.1K 52 3
                                    

Chapter Eleven

Story of Her Life


TUWANG-tuwa si Dan nang makita si Elijah. Agad na yumakap ang anak niya sa lalaki. May kung anong kurot na naramdaman si Sari sa puso niya nang makita ang eksena. Parang ang mga ito ang mag-ama.

"Tito, bakit narito ka sa Baguio?" tuwang-tuwa na tanong ng bata matapos makipag-fist bump kay Elijah. Sinundo nila ito sa school.

"Bakit? Ayaw mo akong makasama?"

"Gusto po!"

"Umuwi na muna tayo at doon niyo na ituloy ang kwentuhan," sabad niya.

"Doon po tutuloy si Tito Elijah sa atin, Mama?"

"Makikikain siya sa bahay. Nakikain din tayo sa bahay niya, remember?" iyon na lang ang sinabi niya sa anak. Ang totoo ay balak talaga ni Elijah na makituloy sa kanila at bukas na ito uuwi. Gusto raw nitong makasama si Dan. Ayos lang naman sa kanya 'yon.

"Yehey!" tuwang-tuwa si Dan na humawak sa kamay ni Elijah. Nauna na ang mga ito sa kotseng dala ng lalaki. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa bahay niya. Ni hindi na niya kinailangang sabihan si Elijah sa daan kasi mukhang alam na nito.

"Lola, nandito si Tito Elijah!" masayang balita ni Dan kay Nanay Rosalie na kanina ay nasa garden. Lumapit si Dan sa matanda at nagmano. "Lola, siya po 'yong kinukwento ko sa inyo na kapangalan ko po."

"Magandang hapon po," bati ni Elijah kay Nanay Rosalie saka nagmano.

"Nay, si Elijah po, kaibigan ko. Elijah, nanay ko, si Nanay Rosalie," pakilala niya sa

dalawa. Ngumiti si Nanay Rosalie. Matagal ng kilala ni Nanay Rosalie si Elijah sa mga kwento pa lang ni Dan.

"Magandang hapon din naman sa'yo, hijo. Pasok na kayo at maghahanda na ako ng hapunan."

"Tulungan ko na po kayo, Nay," aniya. Dumiretso siya sa kusina kasama ang matanda samantalang narinig niyang pumanhik si Dan sa silid nito kasama si Elijah. Mukhang doon na itinuloy ng mga ito ang kwentuhan.

"Totoo pa lang gwapo," nanunuksong sabi ni Nanay Rosalie sa kanya. Ngumiti siya. "Bakit nga pala siya nagawi rito?"

"Dinadalaw lang po kami."

"Nililigawan ka ba niya, Sari?" usisa nito.

Umiling siya. "Wala po siyang sinasabi na gano'n. Ang totoo po niyan eh tinutulungan niya po ako tungkol sa problema ko kay Jonathan. Concern po siya sa amin."

"Bakit 'ka mo siya concern sa inyo?"

"Magkaibigan lang po kami ni Elijah, Nay," aniya kahit na nga ba isang parte ng puso niya ang umaasang magiging higit pa sila sa ganoon. "Nay, bakit naman po niya magugustuhan ang isang gaya kong disgrasyada? Marami pa pong mas maganda at mas mayaman kesa sa akin. Pinaliligiran po siya ng nagagandahang mga babae."

"Pero bakit mas binibigyan ka niya ng panahon?"

"Dahil po magkaibigan kami. Hindi ba po gano'n ang magkakaibigan, nagtutulungan?"

Bumuntong-hininga si Nanay Rosalie saka lumapit sa kanya. "Sari, mula ng makilala kita ay itinuring na kitang anak. Ayokong masaktan ka na naman gaya noon. Ang Diyos ay pag-ibig pero makatarungan din Siya. Kung anuman ang intensiyon ng lalaking 'yan sa'yo, siguraduhin niya lang na hindi ka niya sasaktan dahil magiging mas masakit ang hatol ng langit sa kanya kesa sa sakit na idudulot niya sa'yo."

"Hindi niya naman po ako mahal bilang babae, Nay."

"Wag kang pasisiguro," anito. "Mukha naman siyang mabait at magalang pero kung patuloy siyang magiging babaero, 'wag na lang."

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon