Chapter Seven
Unusual Meeting
"MAMA, kilala mo siya?"
Doon lang parang natauhan si Sari nang marinig ang boses ng anak niya. Nakatingin ang bata sa kanya na nagtataka.
"Oo anak. Naalala mo 'yong ikwenento ko sa sa'yo na kasal na dinaluhan namin ng Tita Wendy mo? Siya ang kapatid ng groom," paliwanang niya sa anak. Tumango ang bata.
"Anak mo?" paniniyak ni Elijah.
"Oo."
Nagmano si Dan kay Elijah. Mukhang natutuwa ito sa anak niya. Hindi niya akalain na makikita niya ito doon. Mahigit isang linggo niya itong hindi nakita mula noong kasal.
"I'm Daniel."
"I'm Elijah."
"Elijah ka rin, Tito?" namilog ang mga mata ng anak niya. "Elijah rin po ako! Elijah Daniel po ang fullname ko. Elijah from Elijah Wood and Daniel from my grandfather."
Tumingin si Elijah sa kanya. She nodded. She was very engrossed with Lord of the Rings movies noong pinagbubuntis niya si Dan kaya 'yon ang ipinangalan niya sa anak pero hindi naman niya akalain na 'yon din pala ang pangalan ng lalaking nagligtas sa kanya noon.
"Nice meeting you, Dan."
"Ako rin po, Tito."
"Tapos na ba kayong mamili?" tanong ni Elijah sa kanya.
"Hindi pa. Baka nakakaabala na kami sa'yo at –"
"Of course not. Sabay na tayong mamili and then I'll treat you to lunch. If that's okay with you, Sari." Lihim siyang natuwa nang malamang naaalala pa pala nito ang kanyang pangalan at niyayaya sila nito na kumain.
"KFC, Mama!" agad na sabi ni Dan.
"Sure," sagot ni Elijah. Tuwang-tuwa ang anak niya. Iyon lang at mukhang close na agad ang dalawa. Bumuntot na si Dan kay Elijah. Mukhang genuine naman ang pinapakitang fondness ni Elijah sa anak niya. Mukha ngang ang mga ito ang magkasamang nag-grocery at hindi siya kasali. Hindi naman siya naiinis. Masayang-masaya si Dan dahi sa unang pagkakataon ay may nakasama itong parang father figure. Hindi man nagre-reklamo si Dan, alam ni Sari na sabik ang bata sa pagkalinga ng isang ama.
Matapos mag-grocery ay nagpunta sila sa KFC. Kinikilig siyang isipin na inakala ng cashier kanina na mag-asawa sila ni Elijah at si Dan ay anak nila. Kahit gaano man niya suwayin ang sarili ay ayaw pa ring pasupil. Sinungaling naman kasi siya kung hindi niya aaminin maski sa sarili niya na natutuwa siya sa pagkikita nilang iyon. Inakala niyang hindi na niya ito ulit makikita pa.
"Tito, may asawa ka na?" tanong ni Dan.
"Wala pa."
"Si Mama rin po, wala pa."
"Daniel!" saway niya sa anak. Pinandilatan niya ito. Mukhang nagulat si Elijah at tumitig sa kanya. Ngiti lang ang naging tugon niya. Napansin niyang tumingin si Elijah sa left hand niya na walang suot na wedding ring. "Daniel, walang asawa si Tito Elijah pero hindi ibig sabihin ay wala siyang girlfriend."
"Ganon po?" her son sounded disappointed habang kumakain ng chicken.
"I'm available," nakangiting sabi ni Elijah na ikinagulat niya.
"Ayon naman pala Mama. Walang girlfriend si Tito Elijah. 'Di ba po hindi niyo na love si Papa dahil matagal na siyang dead? Pwede na kayo!" tuwang-tuwa na sabi ng bata. Napatanga siya sa ikinikilos ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...