Chapter Twenty-Two- A Happy Family

1.2K 50 4
                                    

Chapter Twenty-Two

A Happy Family


NAG-UUSAP ang mga kalalakihan sa poolside. Silang mga babae naman ay nanatili sa living room. Kanina ay iba ang mga topics nila. Tungkol sa pagpaplano ng kasal, sa wedding vow at kay Queen Diamond pero ngayon ay umabot na ang topic nila sa gawain ng mag-asawa. Kasama niya roon sina Debbie, Faye, Star at ang kararating kani-kanina lang na si Yñez. Kasama nitong dumating ang fiancé nitong si Zee. Agad naman siyang natanggap ni Zee pero sigurado siyang iniisip pa rin nito kung paano niya nakuha ang blessing ni Queen Diamond.

"Sigurado ka, Sari?" gulat na tanong ni Yñez sa kanya.

Tumango siya. "He never asked me to make love with him. Ever."

"Okay, aamin ako" sabi ni Faye. "Bago kami ikinasal ni Lisha, we're doing 'it' already. We're not saints but you and Elijah are somehow unique. Si Elijah ang tipo ng lalaki na sexually active, mahal man niya o hindi ang babae. Tapos sabi mo, kiss pa lang ang nagagawa ninyo?"

"Pagod kasi siya after full moon," sabi niya, trying to be careful na hindi ma-gets ni Star ang ibig sabihin. Wala pang alam si Star sa sumpa.

"But how about before that?" tanong ni Debbie. Umiling siya. Kitang-kita niya ang disbelief sa mukha ng mga ito.

"Did you try to seduce him?" tanong ni Star.

"No."

"Siguro, Elijah is trying to do differently his relationship with you. Iyong klase ng relationship na hindi naka-depende sa sex," iyon ang theory ni Faye. Mas kilala nito si Elijah dahil nga mag-best friend ang mga ito.

"When Eli fell in love with me, he stopped having sex with other woman. Kahit noong maghiwalay kami, he remained celibate," kwento ni Debbie.

"And also with Zee."

"Ako lang ang babae sa buhay ni Elisha."

"So wala kang dapat ipag-alala, ate," ani Star. "Mas maganda nga 'yon eh. Para may thrill and excitement."

"Hoy ikaw, hindi ka dapat nakikinig sa amin," ani Faye kay Star. "Lagot kami sa mga kapatid mo."

"Okay lang 'yan, ate. I'll remain pure and virgin until I meet the man of my dreams."

"Ano ba ang ideal man mo?" tanong ni Sari sa bunso ng mga Contreras.

"'Yong lalaking gaya ng mga kuya ko. Kasing bait ni Kuya Elii. Kasing tapang at tikas ni Kuya Zee. Funny like Kuya Elijah. Thoughtful and caring like Kuya Elisha. Pa-mysterious effect like Kuya F and kasing gwapo ng twin brother ko," nangangarap nitong sabi.

"Mutant yata 'yan eh," sabi ni Yñez.

"Hindi, alien," aniya. Sabay silang naghagikhikan.

"Baka hindi pa ipinapanganak ang lalaking sinasabi mo," sabi naman ni Debbie.

"O baka baby pa," segunda ni Faye. Nagtawanan na naman sila. Pati si Star ay natawa. "But seriously Star, kapag na-in love ka, sabihin mo agad sa mga kuya mo ha?"

"Oo naman, ate. Una silang makakaalam."

"And be wise of choosing the man you want to get married," payo ni Debbie saka sumulyap sa kanya at sa ibang in-laws. Tumango si Star nang nakangiti. Alam niya ang ibig ipahiwatig ni Debbie. Hindi biro ang dadaanan ni Star kapag ito ang na-in love. Maliban doon, hindi pa rin nito alam ang tungkol sa sumpa ng angkan nito. Ano kaya ang mararamdaman nito kapag nalaman ang totoo?

Natigil sila sa kwentuhan nang marinig ang boses ng anak niya. "Mama!" patakbong lumapit ang bata sa kanya.

"Dan?" agad niya itong sinalubong at niyakap. Sa likuran nito ay sina Nanay Rosalie, Wendy at Marky. "Salamat sa pagdala kay Dan dito."

Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon