Chapter Fourteen
First Love
GUSTONG matawa ni Marky sa mga ikinilos ni Elijah kanina. Nagliligpit na sila ng mga nagkalat na vase at mga bulaklak dahil sa naging suntukan kanina.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong ni Wendy sa kanya. Binalingan niya ang babaeng ilang beses na niyang nakita na kausap ni Sari sa flower shop at madalas na kumakausap sa kanya kapag hindi nito naaabutan ang amo sa shop. Maganda ito at matalino. Ang alam niya ay wedding planner ito na nagbabalak na ring maging eventologist. Alam niyang kilala na siya nito sa tunay niyang pagkatao.
"I know, Elijah. We're not friends. Once naging magkaribal kami dahil sa isang babae pero matagal na 'yon. He hurt my pride, that's it. 'Di hamak na mas matino si Elisha kesa sa kanya. Balita ko happily married na siya."
"We were on the wedding."
"I see. Well, I can't believe Elijah will be this serious. He's not the stick-to-one type of guy. Alam mo rin 'yan sigurado. Natatawa ako sa mga ginawa niya but at the same time ay nag-aalala kay Ma'am Sari. Sigurado akong magiging headlines ito. A single mom is having a relationship with the famous Don Juan DeMarco of the Philippines," napapailing niyang sabi.
"At ikaw?"
"Anong ako?"
"Ba't ka nandito gayong dapat ay namamahala ka ng shipping lines ninyo, Mark Avery Loyzaga?" na sa tono ng pagtatanong nito ay parang marami itong alam tungkol sa kanya.
"It's none of your business."
"Totoo ba na kaya ka nagtatago ay dahil ayaw mong matuloy ang kasal na nais ng mga magulang mo para sa'yo?"
Tiningnan niya ito. "How did you know?"
"I happened to be the wedding planner they hired but it was cancelled since the groom was nowhere to find," sagot nito. Hindi siya umimik. "You can always hide somewhere else but why work in a flower shop?"
"Still, it's none of your business," sagot niya saka ito tinalikuran.
"It's my business. Ayokong lalong maging kumplikado ang buhay ni Sari dahil sa iyo. Sapat ng may Jonathan Morales at Elijah Dominguez na nakakagulo ngayon sa buhay niya," seryoso nitong sabi. "At wala akong maisip na maganda sa isang taong nang-iiwan ng babae sa altar," dagdag pa nito. Binalingan niya ulit ito.
"Well Miss Wedding Planner, I'll tell you. I will never marry a woman for the sake of saving our company. Marriage is not business contrary to what my parents believe," nagtangis ang bagang na sabi niya. Hindi ito nakasagot. "Mas masaya ang kasal na paplanuhin mo kung alam mong totoong nagmamahalan ang mga kliyente mo. I bet you know that and pinaplano pa lang ang kasal nang umalis ako kaya technically, wala akong iniwang kahit na sinong babae sa altar," aniya saka ito iniwan. Walang nagawa si Wendy kundi sundan siya ng tingin.
TAHIMIK na ginamot ni Sari ang mga pasa niya sa mukha. Pakiramdam ni Elijah ay pinalala niya ang problema nito.
"Sari, please say something," untag niya rito. Nasa office siya nito. Tapos na nitong lapatan ng gamot ang mga pasa niya. Hindi ito kumikibo pero napansin niyang naiiyak ito. Parang pinipiga ang puso niya sa nakikita. "Sari..."
"Thank you for protecting me from Jonathan."
"That's not what I want to hear. Bakit para kang namatayan? Mahal mo pa ba ang lalaking iyon kaya ka nasasaktan?" tanong niya. Bagamat sinabi nito sa kanya noon na wala na itong pag-ibig kay Jonathan, maaaring sinasabi lang nito iyon para 'wag siyang mag-alala.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...