Chapter Three
The Best Man
MALAYO ang tanaw ni Sari. Nasa balcony siya ng hotel room na kanilang tinutuluyan. Mula roon ay makikita ang halos kabuuan ng siyudad na animo'y may nagkikislapang Christmas lights dahil sa liwanag mula sa matataas na mga buildings.
"Akala ko ba naging maayos ang lakad niyo ni Wendy pero bakit para kang nalugi diyan?" tanong ni Nanay Rosalie. Napabuntong-hininga siya.
"Nakita ko po siya, Nay."
"Sino?"
"Ang lalaking naging daan sa pagbabago ng buhay ko." Napatitig siya sa keychain na hawak. Alam ni Nanay Rosalie ang tungkol sa bahaging iyon ng buhay niya.
"Nakita mo siya?"
"Opo. Siya ang groom." Hindi nakaimik si Nanay Rosalie. "Masaya akong nakita siya ulit pero ikakasal na pala siya. Gustuhin ko mang maging masaya para sa kanila ng bride niya ay hindi ko po magawa. Nay, sa loob ng walong taon, naging pangarap ko ng makita siya ulit at sa loob ng mga panahong iyon –"
"Umasa kang wala pa siyang asawa at maaaring maging kayo," dugtong nito. Siya naman ang nawalan ng imik. Totoo ang sinabi nito. nalimutan na niya si Jonathan. Wala na siyang pag-ibig para sa ama ng kanyang anak. Sa loob ng walong taon, ang naging laman ng puso't isip niya ay ang lalaking isang beses niya lang nakasama. He haunts her dreams. Ito ang dahilan kaya nanatili siyang single sa kabila ng marami niyang manliligaw. Somehow, umaasa siyang magkakaroon ng katuparan ang pangarap niya pero hindi pala.
Hinawakan ni Nanay Rosalie ang kamay niya.
"Maaaring sinadya ng Diyos na makita mo siya ulit sa ganoong estado para makapagpatuloy ka na. Sari, maging masaya ka para sa kanila. Gaya niya, karapatan mo ring lumigaya kaya kalimutan mo na siya," payo nito. Tahimik siyang tumango. Niyakap siya ni Nanay Rosalie. Mahirap man pero kailangan na nga niyang kalimutan si Elisha alang-alang na rin sa kanyang sarili.
"FAYE IS inviting you to her wedding," sabi ni Wendy sa kanya nang puntahan siya nito sa bagong bukas na flowershop niya sa Maynila. Ilang linggo na ang nagdaan mula ng makita niya ang ikakasal. Ayaw man niya pero alam niyang magkikita pa sila ulit ni Elisha dahil siya ang magsu-supervise ng flower arrangement sa kasal nito. Ipinagpapasalamat na lamang niya na hindi siya nito naaalala pero nagi-guilty siya. May nangyari sa kanila noon pero lasing ito.
Naalala niya bigla ang mga pinagsasasabi nito noon. Maaaring ang tinutukoy nito ay ang sarili at hindi ibang tao. Tumugma rin ang kwento nito sa kwento ni Wendy. Teenager pa ito nang makilala niya at teenager pa ito nang paghiwalayin ito at si Faye.
"Sari! Yuhoo!" untag nito sa kanya.
"Huh?"
"Wala ka sa sarili. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Wendy.
"Wala. Nami-miss ko lang si Dan." Nasa Baguio ang anak niya at ilang araw pa bago sila ulit magkita. Tuwing weekend siya umuuwi sa Baguio. Iniabot ni Wendy sa kanya ang wedding invitation nina Elisha at Faye. Tinanggap niya iyon. "Thanks."
"Sari, hindi ka ba excited?"
"Sa ano?"
"Sa kasal. Malay mo, isa sa mga guests ang maging prince charming mo," anito na kinikilig. Napailing siya.
"I'm a single mom, Wendy."
"So what? You're still gorgeous and hot. Iba na ang mga lalaki ngayon. Wala ng pakialam ang iba kahit may anak na ang nagugustuhan nila. Hindi sila dehado sa'yo. You're not even losyang and you look very young for a mother. Walang mag-iisip na may anak ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/41224252-288-k876241.jpg)
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 3: Underneath the Griffin's Wings
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Meet the other half of the famous but mysterious Gemini. Know his secrets, his struggle...