Kabanata 22

12 1 0
                                        

Dreau's POV

"Huwag mo akong iwan," I begged her multiple times pero ako pa rin ang umalis sa tabi niya. I have my reasons but I still don't know if I am really deserving of her. I don't wanna blame all my anger to her father, I can't love her properly with this hatred I have within me.

"Dreau hindi mo ba talaga sasabihin kay Analise na malapit mo ng mahanap ang Tatay niya?" Avil asked me one time when I'm preparing backstage.

"I'll fix this on my own Av, I can't drag her into this mess. Isa pa ngayon na hindi pa natin sigurado kung sino ba talaga ang kaaway natin,"

I was so sure that I can fix everything on my own. I was so confident that I can do it. Pero nagkamali ako, everything went uncontrol when I left her. Mas lalong nagulo ang lahat ng mawala ang proteksyon ko sa kanya.

"Putangina Avil, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na patay na ang Nanay niya?"

"I'm sorry, I just don't know how to tell you, we're on the middle of almost finding the culprit of your Mom's death, nawala na sa isip ko si Analise."

"Tangina pre, I told you to keep an eye on her. Uuwi na tayo." I said as I started packing my things.

"Leaving right now wont help Dreau, patay na ang Nanay niya, tatalikuran mo 'tong ginagawa natin para lang kay Analise?"

I look at Avil, I know how worried he is on me. Pero hindi naman ibig sabihin ng pag-uwi sa Pinas ay tinatalikuran ko ang matagal ko ng hinahanap na hustisya para kay Mommy.
"I can't let her grieve alone Av, mahal na mahal ko siya para hayaan ng ganoon,"

Wala ng nagawa si Avil sa kagustuhan kong umuwi. That same night I lost her.
I tried looking for her, but what I saw is Diego's dead body. I took over his funeral waiting for Analise to comeback, kasi alam kong hindi niya matitiis ang sariling kapatid. I let her friends tried contacting her because I know for sure he won't talk to me for everything I did. Pero ni-isa sa mga kaibigan niya ay walang may alam kung asaan siya.

I look for her on every corner of the Philippines. Only to find out that Rios hid her for years. I saw her on the café drinking her latte habang nakikipag-usap kay Rios. Nakangiti siya, ang buhok niya ay humaba na ngayon. She looks prettier, her body is now a body of a lady, hindi nagbago ang height niya, pero mas lalo lang kuminang ang balat niya, her smile, her giggles, her face, I miss it all. She's like a goddess, a deity.

I followed her for a year. No one knew about it. Only Avil.

"Why not face her?"

"I can't,"

"So ano? Andrius Mondelvalle is a stalker now?" Tawa niya.

"It's better to see her from this far, than seeing her breaking near me," that's the fact. Noong nakita ko siya no'n sa Café, I heard her tell Rios how much she hates me. Nasaktan ako sa narinig ko pero hindi ko rin naman siya masisisi. He blames me so much for what happened. And if that's the only way para lang banggitin niya ang pangalan ko, I'll be glad and thankful. Sino ba naman ako para pigilan siyang magalit sa tulad ko?

While watching her from a far. I'm also doing my best para gumaling ang Tatay niya. When finally her Dad told me everything and I decided to face her, that's the same day na nalaman kong ako pala ang inaakala niyang nagpapatay kay Diego. Honestly that hurts me a lot.

"Dadalo ka ng hearing?" That's Raf.

"Gago, sila Rios pa nagpapakulong sa'yo?" It was Jalius.

"I can't blame Analise," iyon lamang ang nasabi ko.

"So hahayaan mong ipakulong ka niya?" Eco asked me, andito siya sa bahay namin dahil siya ang kinuhang designer ni Ahra. Jalius girlfriend.

"If thats what she wanted, I can give up everything for her, kahit ipakulong niya pa ako,"

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon