Kabanata 21

12 1 0
                                        

Spell

That night was one of those moments where I found peace. Nabawasan ako ng tinik sa dibdib dahil sa usapan na 'yon. We talked about everything that happened for past few years at kung paano niya ginawa lahat para hanapin ako, only to find out na nasa pinsan niya lang ako. He never thought daw na magkikita kami ni Rios. I told Dreau how Rios saved me, and Dreau said he owe Rios everything. Nalaman na rin nila Rios na nakapag-usap kami ni Dreau, Rios is happy about what happened and joke around like he was the villain of our lovestory where infact he's the one who saved us. Kung hindi niya ako pinilit mabuhay baka wala na rin ako ngayon. I am more thankful of Rios.

"But Harmonia will still stay with me habang on-going ang kaso," ani Rios. Tumango ako doon, hindi ko siya pupuwedeng iwanan na lang dahil lang sa okay na kami ni Dreau. Wala na ring nagawa pa si Dreau sa desisyon ko.

The next day iyon na ang Trial, hindi ko inatras ang kaso para hindi makatunog ang totoong suspect. And because Dreau has alibi the Court found him not guilty. Nabuksan ulit ang kaso tungkol sa pagpatay ng kapatid ko at trinace lahat ng mga pulis, kumikilos na rin kahit ang mga detectives dahil na rin mismo sa utos ng mga Mondelvalle.

Dreau already have the lead on his Mom's death at inaantay na lamang ang ilang araw para ibaba ang warrant of arrest laban kay Manager Cynthia, yes that's right, it's Cynthia who planned everything. Hindi pa namin alam ang dahilan niya kung bakit niya pinagahasa ang nanay ni Dreau at pinapatay ito, at hindi rin namim alam ang totoong dahilan bakit niya pinapatay si Diego.

I was dumbfounded when Dreau tell me all the details at wala na rin akong maintindihan pa, Dreau told me to relax at siya ang bahala sa lahat. Alam ko namang gagawin niya lahat mahuli lang ang may sala pero alam ko ring delikadong tao si Cynthia. If she can kill innocent lives hindi na siya tao non.

I was alone here in Rios' house kasi lahat sila ay nasa kanya kanya nilang trabaho.

Nagring ang telepono ko at sinagot iyon.
"Naglunch ka na ba?" it's Dreau.

"Yes, nagluto si Manang Joy kanina, umalis na siya ngayon kasi may susunduin pa daw siyang apo niya,"

"I'll go there in few minutes, dalhan kita kape?"

"Okay, thank you,"

"You're welcome, I'll see you later,"

Ngumiti ako at ibinaba ang phone ko. Binuksan ko ang TV aantayin ko na lang siya. Wala pang ilang minuto tumunog na kaagad ang doorbell. Rios house is big, napakalawak ng bakuran niya. Kaya hindi ko rin namamalayan kung sino ang pumapasok dahil malayo ang parking lot. Nakangiti kong binuksan ang pinto expecting it to be Dreau.

Pero hindi siya ang bumungad sa akin.

It's Cynthia.

Kumalabog sa takot ang dibdib ko. Why shes here? Paano niya nalaman na andito ako? She's wearing her usual attire. Sopistikada, nakagold accessories at higit sa lahat galit ang mukha.

"Analise Harmonia,"

"Cyn-"

Sinampal niya ako agad, naramdaman ko ang pagdurugo ng labi ko dahil doon. Natumba ako dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Itinayo niya ako ng sinabunutan niya ako.

"Your father is so stupud! Inutusan ko siyang patayin ang Nanay ni Dreau pero pinatakas niya sa kamay niya. Kaya napilitan akong ipagahasa siya sa iba at patayin siya mismo sa kamay ko."

"Do you know why I ended up like this?" she stare with bloodshot on her eyes.

"Masama kang tao kaya ganyan!" Singhal ko sa kanya.

"Dreau's Mom stole my boyfriend! Mahal na mahal ko ang Daddy ni Dreau, noong pinili niya ang babaeng 'yon I lost it already. Ipinangako kong hindi sila sasaya, namatay ang Tatay ni Dreau at hindi man lang ako pinayagang makapunta sa lamay niya. Sa sobrang galit ko sa pamilya nila, nagawa ko iyon. Not until I saw Dreau on his college days. Nakita kong muli 'yung lalake na minahal ko, Dreau needed help to be part of Music Industry, gumawa ako ng paraan para makuha siya at kumapit siya sa akin because knowing a Mondelvalle, ayaw nilang tinutulungan sila, gusto nila pinaghihirapan nila lahat. I plan it all, kaya ako ang naging Manager niya,"

Nakita ko na nilabas niya ang baril niya.

"But I get to know Dreau, he's like his father," ngumisi siya. "I fell inlove with him,"

Hindi ko alam kung anong klaseng utak meron si Cynthia, para siyang may sapi dahil sa sinasabi niya. Gusto? Paanong magugustuhan niya si Dreau?

"I almost forgot my anger, gusto ko magkasama kami lagi, gagawin ko lahat para sa kanya. Handang handa akong itapon ang nakaraan para sa kanya. But then again, you came–" tumawa siya ng nakakaloko at tinutok ang baril sa akin.

"Instead of choosing me, and his career, he chose you!"

"He fired me and that's why I let my men killed you, ikaw lang sana ang papatayin pero masiyado kang masuwerte kaya kapatid mo ang naunang sumunod sa nanay mo, hindi ko gustong mamatay kapatid mo it's not part of my plan, gusto ko lang mawala ka sa landas niya," galit na galit niyang utas.

Nakatutok na ang baril sa akin. Isang kalabit tapos ang lahat dito.

"Bakit ba kasi dumating ka sa buhay niya!"

Pumutok ang baril niya at agad ko iyong naramdaman sa tagiliran ko. Napatingin ako do'n at agaran ang pagkaramdam ko ng sakit at hilo.

"Kung hindi siya mapupunta sa akin, hindi rin sa'yo Analise!"

At isang putok pa ng baril ang narinig ko bago nagdilim ang paningin ko at natumba.

Ito na ba iyon? Mamamatay na ba talaga ako?

"Analise please, kumapit ka please Analise- Fuck! Fuck it, Analise stay with me please baby don't close your eyes!" Boses ni Dreau.

His voice, I'm under the spell of his voice. Tama 'to, tama na rin na boses niya ang marinig ko. Siya lang naman ang kailangan ko. Siya lang.

Under His VoiceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon