Kabanata 19

12 1 0
                                        

Him

After what happen to the Court nagpabalik balik ako sa puntod ng kapatid at nanay ko. Days had pass already at 'yon lamang ang ginawa ko para panghugutan ang dalawang taong pinakamamahal ko ng lakas ng loob para bigyan sila ng hustisya, mas lalo na si Diego. My Mom died due to illness but Diego deserved justice, para saan pa ang pangarap kong mag abogado kung sarili kong kapatid ay hindi ko mabigyan neto.
Tumingin ako sa langit tulad ng nakasanayan ko, alam kong hindi pa rin tahimik ang kapatid ko ngayon. Pinalis ko ang luha na lumandas ulit ng kusa sa pisngi ko. Ang labanan ang mga taong nasa likod ng pagkamatay niya ang isa sa pinakamahirap na laban na gagawin ko, kailangan kong isantabi ang sarili kong emosyon, hindi dapat magwagi ang emosyon ko. Kailangan ng katarungan ng kapatid ko.
Matapos ang sampong minuto ay tumayo na ako at lumabas na ng sementeryo. Inabutan ko si Rios na nagsisindi ng yosi niya habang nakasandal sa kotse, mukhang kanina pa siya andito. Nilapitan ko siya agad at laking gulat ko na may kasama siya.

"Amanda!" maluha luha ako ng lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Buhay ka! Buhay ka!" hagulgol niya sa balikat ko.

Nag-iyakan kami habang magkayakap. Siya na lang ang kaibigan ko, hindi ko alam kung paano siya nahanap ni Rios, at hindi ko alam kung paano niya naisip na mas kailangan ko ng kaibigan ngayon.

"Matapos ang nangyari kay Tita at Diego, inakala namin ni Gino na wala kana rin, nalaman namin na buhay ka dahil kay Eco, at sinabi niya na hayaan ka muna namin habang inaayos mo ang kaso na sinasampa para kay Dreau, pero hindi ko na natiis," aniya.

Niyakap niya akong muli. "Kailangan mo kami alam ko," ani Amanda.

Tumango ako paulit-ulit.
Tinignan ko si Rios, nginitian niya ako at inaya ng umuwi. Sinama ko si Amanda kung saan kami tumitira pero aniya ay may mauuwian naman daw siya, gusto ko sanang mas makasama pa siya pero umuwi rin siya ng pasado alas dos ng hapon kasi may mga customer din daw siya. Rios make sure na maayos ang lagay ng mga kaibigan ko, si Gino at si Amanda. At hindi sila kailanman madadamay sa pinapasok ko.

"Bukas na ang sunod na trial," paalala ni Khal sa akin.

Andito kami ngayon sa teresa habang pinapanood na naglalaro ng basketball si Jalius at Rios, kasama pa ang iba nilang kaibigan.

"Handa kana bang mag witness?"

Tumango ako. "Kung ito ang ikatatahimik ng lahat,"

"Alam mo bang pinapaimbestigahan din ni Andrius ang nangyari?"

Napatingin ako kay Eco ng sabihin niya 'yon, andito din siya. Sumisimsim ng tea na ginawa ni Khal para sa kanya. I look at her, unlike Nieves, Eco is so demure and plain. Para siyang manikin pero may buhay.

"What do you mean?" Even Khal didnt know about that?

Inabot ni Eco ang phone niya kay Khal.

"He has an alibi na he's on concert during the masacre, aniya wala siyang chance to hold his phone that night, he was abroad at imposibleng makatawag siya sa bansa natin dahil abala siya ng isang buong linggo niyan, and I think Alanise is aware of it,"

Naalala ko na iyong usapan namin ng Manager ni Dreau na si Cynthia. Nabanggit niya sa akin ang about sa concert na iyon.

"You can face Dreau tomorrow, pupuwede mo siyang idikdik because you're the sole survivor of that incident," Eco said. "Pero sa tagal ninyong magkasama, hindi kaba nag alangan na siya talaga ang gumawa? I know you may found this rude Alanise, but I'm just being neutral, Khal and Rios is helping you out, especially Rios, they believed in you. Pero ikaw ang tatanungin ko, you really think it's him?"

Tinignan ko ng maigi si Eco.

"I heard his men saying 'Mondelvalle'"

"Even the fact that there's a lot of Mondelvalle here?"

"Eco,-"

"No Khal, she needs to understand na malaking bagay ang ginagawa niya," Eco still sounds so calm.
"She's young, kailangan alam niya ang ginagawa niya bago niya pag-sisihan ito, look on the brighter side Analise, pag naipakulong mo si Dreau sasaya na ba ang puso mo? Paano kung hindi siya ang pumatay? Pagala gala pa rin ang taong nagpapatay sa kapatid mo."

And that suddenly wakes me up from all the clouded decision I'm making.

"Alanise hindi kita kinokontra, I wanted you to further check, Diego deserved the justice yes, pero dapat tamang tao ang magdusa, knowing Dreau, he'll give in to your whims, as long as nakikita niyang iyon ang gusto mo, handa siyang makulong para lang sumaya ka,"

I look at Khal and I saw how amazed he is sa paraan ng pakikipag-usap sa akin ni Eco, kahit ako naaamazed sa kanya. Para siyang banal na babae na binaba sa lupa para lang paliwanagan ako.

She finally smiled. "I'm just here, kami ng kuya Khal mo,"

Ngumiti ako at tumango, lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Thanks Eco, you're always here for me,"

She tap my shoulder and whispered she loves me.

Lumapit sa amin si Rios na pawisan tinignan niya ako,

"Harmonia seems to like you Eco, unlike kay Nieves, takot siya do'n," anito.

Tumawa si Eco, even ang tawa niya ang holy.

"Really Alanise?"

I pouted, palaging nakataas kilay no'n. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na ginawa, kapatid niya pa rin naman 'yon.

"She's just like that, but Nieves is the sweetest and the bravest, pareho kayong matapang," Eco smiled at me again. "She's just like you,"

"Sobrang tamang pinadala ka kay Khal," ani Rios na siyang sinuntok naman ni Khal sa balikat. Natawa na lang ako sa kanila. Alam ko ang kuwento nilang lahat pero ang kay Eco at Khal lang ata ang pinaka ayokong pag-usapan. The tragedy Eco faced way back. Siguro mali si Eco, baka hindi si Nieves ang katulad ko, baka siya.

That same day, nag-aya sila na lumabas. I'm wearing my navy blue dress at pinatungan ko na lang iyon ng cardigan para hindi malamig. Pupunta kami sa mansyon ng mga Mondelvalle kasi naghanda ng simpleng salo salo ang Lola ni Rios. I don't know if Dreau will be there, alam kong andoon siya pero hindi ko na ganoon kakaisipin. I don't wanna ruin her Lola's get together with her apos dahil lang sa akin.

"Rios," I saw familiar faces na nagsiyakap kay Rios. Those are the other Mondelvalles. Lahat sila ay matatangkad, matitikas, parepareho sila ng mata at kung paano tumingin, kaya alam mo agad na magkakadugo sila.

Tammy hugs Rios too, ito 'yung girlfriend ni Cairo. She's petite and looks so bubbly. Nginitian niya ako, behind all those smiles I know she's hiding some painful memories too. She lost the love of her life.

"Buti nakarating ka Harmonia," ani Tam.

"I'm glad she's here," Rios said at dinampian ng halik ang buhok ko.

Pumasok kami ng sabay sa loob at tuwang tuwa ang Lola ni Rios na makita kaming lahat ang Donya ang lubos na masaya ng makita si Tam, si Tam daw kasi ang nagpapaalala sa kanya sa apong si Cairo.

Natapos ang kainan pero hindi ko man lang naaninag si Dreau. Hindi ko alam kung bakit wala siya, siguro dahil na rin sa sitwasyon niya. I'm tainting his career, for sure nalalaman na ng tao ang tungkol sa kaso niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ni-isa sa Mondelvalle na naandito hindi galit sa akin. Sinisira ko ang imahe nila.

Tahimik akong nakaupo habang inaantay na matapos si Rios kakaikot sa ibang mesa. Abala siya sa pakikipagusap sa mga pinsan niya at pakikipag-asaran. Naramdaman ko ang pag-upo ng isang tao sa isang bakanteng upuan. Alam ko na agad kung sino 'yon.

"Eco?"

"Dreau's in fountain area," may inilagay siya sa kamay ko.

"Go and see him,"

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi ni Eco.
"It's time to ask and tell Alanise, go get him,"

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon