Ang Sisiw at Ang Agila 1

265 5 1
                                    

Sisi's POV

"Bakaal! Bote-dyaryo!!!"
"Bakaal--bote't dyaroo!!"

Tila biglang nanlaki ang tenga ni Sisi nang marinig ang sigaw na iyun.
Dali dali nyang isinuot ang ulo sa bintana, hinahanap ang nag sisisigaw.

"Kuyaaa!!" Sigaw ko sa scrap boy na lumagpas ng bahay namin.
"Kuyaaang bakal boteee!!" Sigaw ko pa.

Biglang napa tigil si Kuyang mag bobote. Nag palinga linga.

"Kuya!!" Sa wakas ay nakita rin sya nito.
"Teka lang!!"

Umalis sya ng bintana at pumunta ng likod bahay. Kinuha ruon ang dalawang sako ng inipon nyang plastic bottles at can good.

"Tulungan na kita, Ne." Si Kuya na kinuha ang isang sako sakin.

"Meron pa akong papel Kuya." Bumalik ako sa loob ng bahay at hinila palabas ang isang malaking kahon na puro papel.

Matapos ang ilang sandali at kwentahan. Abot tenga ang ngiti ko. Meron na akong 300 pesos.

"Next next week ulit Kuya!" Bilin ko pa kay Kuya bago ito umalis.

Nag hahumming pa na bumalik ng silid si Sisi. Mula sa itaas ng lumang aparador, kinuha nya roon ang alikansya. Inilagay roon ang napag bilhan.

"Sisi!!"

Nang marinig ang boses ng ama ay dali daling itinago ni Sisi ang alikansya.

"Sisi!! Letseng babae. Nasaan ka ba?"

"Tay!?" Dali dali akong lumabas ng silid.

Nakita nya ang lasing na Ama na naka upo sa kawayang sofa.

"Ang Nanay mo?"
Tinapatan nya ito ng electric pan.

"Wala pa po."

"Ipag timpla mo akong kape!"

Walang imik na sinusod nya ang utos ng Amain.

"Heto na po."

Naabutan nya itong nag bibilang ng pera.

"Oh!" Sabay bigay abot nito sa akin ng bugkos ng dadaaning papel.
"Ibigay mo sa Nanay mo." Pero itinatabi nito ang lilibuhing papel.

"May luto na po akong ulam. Tinola." Ibinulsa ko ang pera.

"Hindi na." Humigip si Mang Toti ng kape. Maya maya ay tumayo na rin. Pumasok ng silid nilang mag asawa.

Nang masigurong nasa silid na ang Amain ay hinugot ni Sisi ang pera sa bulsa. Binilang. Kulang dalawang libo iyun. Babawasan pa nya iyun ng walong daan para sa dalawang linggong baon.

Napa buntong hininga si Sisi. Anung mabibili ng halagang one thousand one hundred? Sa mahal ng bilihin, pamasahe, tubig, kuryente--

"Ay nako!!! Lahat tumaas na, height ko nalang ang hindi pa." Litanya ko pa habang pumupunta ng kusina dala ang tasa ng kape.

Inilipat ni Sisi ang kape sa mataas na baso, nilagyan ng tinadtad na yelo.

"Tao po! Tao po!!"

"Sandali!!" Sigaw ko habang hinuggasan ang tasa.

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon