Ang Sisiw at Ang Agila 5

72 2 0
                                    

SISI'S POV
Tapos na ang resses time at kasalukuyang inaantay nalang nila ang Prof. Inabal ni Sisi ang sarili sa pag dadrawing ng chibi character sa likod ng notebook nya.

"Classmates!"

Napa tingin sya sa unahan ng makita roon si Troy. Ginuhitan ang board ng pahalang. Saka muling humarap.

"Wednesday na, hinahanapan na tayu ni Ms Matusalem ng list na mga sasali sa bawat palaro."
"Baka pwedeng pumunta dito sa unahan ang presidento, oh!" pasaring pa ni Troy.

Kaya naman lahat kami ay napa tingin sa gawi ni Eagle. Naka pikit ang magaling nilang presidente.

Naka halata yata ang kaklase. At nag salita ito kahit naka pikit.
"Bakit hindi mu gawin? Ikaw na rin naman ang tumatayong Presidente nila--"

"Pero Hertz--" si Helga "ikaw ang binoto namin. Responsibilidad talaga ni Troy na isub ka kapag--"

Nag mulat si Eagle.
"Ibinoto nyo lang ako, sa tingin nyo ginusto kong maging presidente nyo?"

Walang umimik.
Napapa hiyang umupo nalang si Helga.
Wala sa loob na napa ngiti ako.

Oo nga naman!

Tumingin sya muli sa unahan.

"So, okey na? Ikaw na ang presidente." Narinig ko pang sinabi ni Eagle.

Umugong ang bulong bulungan. Lalo na sa mga kababaihan na umaalma sa pag ayaw ni Eagle sa pagiging presidente.

"Secretary!" Tawag ni Troy kay Jesse.

Agad na tumayo si Jesse.

"Classmates!" Si Troy. "Ganito ah. Itaas nyo ang mga kamay na gustong sumali sa mga sports. Ang sasali sa sports hindi na makakasali sa iba pang events. Patakaran eh."

Tumayo si Mark.
"Kung ganun ba Troy, hindi tayu makaka sali sa musiclaban?"

"Pag uusapan natin, sa ngayun. Kailangan ko muna ng mga pangalan nung mga kalahok sa sports."

Naabutan kami ni Ms Matusalem sa ganung tagpo kaya naman binigay nito ang kalahating oras ng klase.

"Sa pageant, may muse and escort tayu. Si Fatima Javier at si Mark Lloyd Dumatay ang kasali. Pero dahil binabalak sumali ni Mark sa battle of the band.. Any sudgestions para pang halili natin sa Escort natin, guys?"

Umugong ang mga bubuyog.
Napa maang ako ng mag taas ng kamay si Mimi.

"I sudgest Eagle Hertz Lorezo!"

"Ay oo nga!!"

"Sya na lang! May chance tayong manalo!"

"Si Hertz na!!"

At kung anu anu pa ang pinag sasabi ng mga kaklase nya. Pag tingin nya sa likod, naka subsob si Eagle sa mesa nito. Ang katabi nito ay bahagyang lumapit, pagdaka ay lumayo. Sumenyas na natutulog ang lalaki.

"Sige! Si Hertz nalang!" Sigaw muli ng isa nilang kaklase.

Tumango si Troy kay Jesse, indikasyon na si Eagle ang ilalaban sa pageant.

"Oh, yung tema naman natin para sa Economics, may naisip na ba kayu para sa booth natin? "

"Videoke booth!"

"Horror booth!"

"Sinemax!!"

At kung anu anu pa.

"Ikaw Sisi? May naiisip kaba?" siko sa akin ni Kyle.

Napa ngalumbaba ako. Sa unahan pa rin ang tingin.
"Meron naman. Kaso parang hindi akma eh."

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon