EAGLE HERTZ POV
Inihimpil ni Eagle ang naka paradang motor sa tabi ng gate nina Sisi.
Hindi nya ininform rito na darating sya, inalam lang nya ang balak ng kaklase sa araw na iyun.
Wala naman daw itong gagawin maliban sa matulog mag hapon.
Nakita nya ang Ama nitong nag hihimas ng manok."Ah, magandang umaga ho?" Malakas kong bati sa lalaki habang naka hawak sa gate.
Lumingon sa kanya ang lalaki, matagal. Marahil ay kinikilala pa sya bago kumilos. Binitawan ang manok. Lumapit.
"Ikaw yung Hertz, di ba 'Toy?"
"Oho. Ah si Sisi po?" Mula sa lalaki lumipat ang tingin ko sa bahay ng mga ito.
"Nasa loob." Binuksan nito ang gate.
"Tuloy." Nauna na itong mag lakad.Bawat hakbang nag aalangan ako sa pag tawag sa lalaki. Paano kapag hindi ito pumayag?
Tsk! Kung bakit ba naman kasi sa malayo pang lugar balak mag new year ng pamilya nya. Ang damin kasing kaartehan ng Ate nya eh. Mag sa-suggested lang ng lugar, yung ubod ng layo pa!
Paano ko malalaman kung diko susubukan?
"Ah, S-sir..."
"Huh?" Napa tigil ito sa pag akyat ng hagdan.
Lalo akong pinag pawisan ng malapot.
"Ano po eh..." nailaay ko sa backpocket ang mga kamay sa nerbyos.
"Ka-kayo po talaga yung kakausapin ko.""Ako?" Lalong lumalim ang gatla sa nuo ng lalaki.
"O-oho. Ipag papa alam ko po sana sya." Gusto ko nang bawiin ang pinag sasasabi sa paraan ng pag titig nito.
"Sumunod ka."
Sumunod sya rito hanggang sa kusina.
"Kape?" Alok nito matapos akong paupuin."H-hindi na ho."
Umismid ito. Tinalikuran sya upang mag pag timplahan ang sarili.
"Sabagay, ngayun pa ngalang mukhang kinakabahan kana.""H-ho?"
Hinarap sya ng lalaki, nilapagan rin ng tasty at peanut butter na palaman.
"Saluhan mo ako.""S-sige ho." Agad kong tinabot ang mga pagkain. Matapos palamanan ang tinapay ay agad ko iyung inabot sa lalaki.
"Ano nga ulit iyong sasabihin mo?"
Shit! These is it!
Napapa lunok sya habang tinitingnan ang bread knife na syang ginagawang pang kuha ng palaman ng lalaki.
"Ano po... Si S-Sisi ho kasi. Iniimbita ho sya ng Mommy ko. Sa Baguio, para mag New Year."
Umangat ang kilay ng kausap.
Kumagat sa hawak na pagkain.
"Sa Baguio, hindi bat malayo iyun?"Tango lang ang isinagot nya.
"Bakit naman iimbitahan ng pamilya mo ang anak ko sa napaka layong lugar."
Pwede bang umuwe na?
Damang dama ko ang pag tulo ng pawis ko sa likod. Maski sa dibdib pababa sa tyan.
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Ficțiune adolescențiSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...