SISI's POV
Heto sina sila ngayun. Sinusundan ang kotseng nasa unahan nila. Basta nalang nag dadampot kanina si Eagle ng makakain nila at nag mamadaling mag bayad. Hinintay rin nilang maunang maka labas ng supermarket sina Ms Matusalem at ang Tyuhin daw ng kaklase.At hindi rin nya alam na may pagka chismoso pala itong si Eagle.
"Tang--" napa kapit ako sa pintuan at dashboard ng umalog ang sasakyan. Dahil yata sa lubak.
"Eagle!!" Reklamo ko."What?!" Sinulyapan lang sya nito. Ipinasok nito ang kotse sa Golden Bay
"Wow!!" Namamanghang pinag masdan ko ang paligid. Walang hanggang orchids ang nasa paligid at hiyik iyun sa bulaklak. Lahat yata ng uri naruon na.
"Ang ganda naman dito.""Baba na." Huminto na sila.
Bumaba na sya. Bukod sa ma-mother nature ang tema, malamig rin ang paligid. Ang sarap sa nang mag selfie kung hindi lang nag mamadali ang kasama nya.
"Saan na ba tayo?"
Sinundan ko ang lalaki papasok sa entrada ng gusali.Pati loob nakaka mangha.
Nilapitan nya si Eagle na nakikipag usap sa front desk."Enjoy your staying Ma'm, Sir." Anang lalaki.
Kunot man ang nuo tumango ako."Akala ko ba sa San Pablo tayu pupunta, nasa Sta rosa palang yata tayu." Nabasa ko lang sa mga naka sulat na ads.
Humakbang kami palayo.
"Dito tayo." Lumiko ito sa isang pasilyo.
Pero napa bagal si Sisi ng lakad kakasunod sa lalaki ng makita nya ang nasa kaliwang gilid. Transparent iyun na salamin. Nasa likod niyon ang mga taong nag ggym.
Kalahating katawan lang ang makikita roon, well pwera nalang sa mga naka higang nag eexcersize.
Pero putek! Nakaka pag laway ang mga katawang pawisan roon. May hubad baro, may sando pero hindi sapat para maitago ang kagandahan ng katawan. Nakaka mangha! Nakaka baliw! Nakaka aliw! Nakaka gutom! Nakaka--
Naramdaman nyang may humawak ng baba nya at itinulak iyun paitaas.
"E-Eagle" ewan ko ba, pero parang nanginginig ang boses ko. Oh, feeling ko lang.
"Andyan ka pala." Oo mukhang sunga ang tanung ko pero parang nawawala yata ang utak ko.Nanlisik ang mga mata nito. Kaya nag iwas ako ng tingin. Napa dako sa salamin.
"Halika na nga!!" Bigla nitong hinaltak ang braso ko. Kulang nalang kaladkarin ako.
Bumaba sila ng hagdan. Natanawan nya ang pool area.
"Aray naman! Eagle!!"
"Mukha kang asong nag lalaway dun kanina! Kulang nalang talaga tumulo laway mo."
Hinampas nya ito.
"Masamang maappreciate ang mga kagandahan--""Nang ano katawan?!" Akmang liliko ito ng mapa balik.
Napa singhap sya ng bigla sya nitong itulak pa sandal sa pader. Naipagitan nya ang mga kamay, inilapat sa dibdib nito. Itinuon nito ang isang braso sa ulonan nya at hinapit sya sa bewang.
"E-Eagle--"
"Shhh!! Papunta sila rito." Bulong nito.
"Pero masyado kang malapit!" Angal ko. Nahihirapan akong huminga kasi pati hininga yata ng kaklase na kukuha nya.
"Hindi ako komportable!"Naiurong nya ang ulo nang mapag larong ngumiti si Eagle. Lumapit. Kulang nalang mapag isa ang ulo nya at ang pader.
"I-Ibon ano ba? Lumayo ka!!" Matigas na bulong ko. Ni hindi ko narin maibuka ng maayus ang labi ko. Unti unti kong naramdaman ang init na kumakalat mula sa leeg pakalat sa mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Teen FictionSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...