KYLE's POV
"Teka naman, hindi ko makita!" Ginitgit ni Mimi si Kyle upang hustong maka silip sa dalawang tao sa di kalayuan."Aray naman!" Si Mark.
"Yung tuhod mo, pare! Mabubutas ng yung likod ko!""Sandali! Heto kasing si Mimi--"
"Sshhh! Ano ba kayo! Marinig tayo ng dalawa!" Sita ni Troy sa aming tatlong nag iiringan.
Narito sila sa isang bintana, nag sisiksikan para makita yung pinag gagagawa nina Sisi at Eagle.
"Bakit nililigpit na ni Eagle yung mga pagkain?" Si Mimi.
Nagka tinginan silang apat.
"Palpak!" Ani ko.
"Kasi naman! Sabi ko sa inyo huwag nang romantic date!" Pinanlisikan kami ni Mimi ng mga mata.
"Palpak talaga iyan! Dapat kasi tipong picnic lang--""Sandali! Sandali! Tingnan nyo!" Si Troy.
What the!
Magka harap at magka lapit yung dalawa. Sapo ni Hertz ang pisngi ni Sisi.
"S-sa tingin ko... di ba, dapat iniiwan na natin sila?" Pero hindi ko naman gustong umalis.
Kanya kanya silang singhapan ng bumaba ang mukha ni Hertz. Agad nyang tinakpan ang mga mata ni Mimi, sabay hakbang palayo sa bintana. Ganoon rin ang ginawa ng dalawang kasama.
"Shit!" Si Troy na malaki ang pag kakangiti.
SISI's POV
Hindi mapakali ang nararamdaman ni Sisi. Tila kinikiliti ang pakiramdam nya. Na pilit at kanina parin nya pinag tatakpan sa kaklase.Yeah right!
"Tapos na! Tss! Umayos ka na! Nawiwili ka ng yakapin ako ah!" Nanlaki ang mga mata kong pilit kumakawala. Ramdam na ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi.
Lalong lumawak ang mga ngiti nito. Hindi inaalis ang tingin sa mga mata nya. Samantalang sya, halos magkanda duling duling na.
"Gusto kitang hawakan ng ganito." Sa nangungusap nitong mga mata. Puno iyon ng pag suyo.
What the?! Kalma!! Sisi Kalma!!
Kumalas na ito at hinagilap ang mga kamay nya. Nanatiling malapit.
"Kasi hindi ko alam kung hanggang kelan kita makaka sama."
Nabibingi sya. Sa tibok ng puso nya. May nadama syang lungkot ngunit lamang ang kaba nya ng sinapo nito ang pisngi nya.
"Alam mo bang gusto kita?"
Laglag ang panga nya sa hinayag nito.
"A-a- G-gus-sto mo ako?" Ilang ulit akong kumurap. Pero di ba...?
"P-pero sabi mo naiinggit ka lang.""Yeah... well partly... pero mas lamang ang pagka gusto ko sa iyo."
Craft! Hindi matanggap ng sistema nya ang sinasabi nito. Nakaka yanig! Nakaka panlambot!
Napa hawak sya sa braso nito. Kailangang kailangan nya ng makakapitan. Dahil mukhang bibigay na ang mga tuhod nya.
Unti unting lumapit ang mukha nito.
"Hindi mo ba itatanung kung kelan?"Napapa lunok nalang ako.
"K-kailan?" Bulong ko."The day--" biglang umihip ang hangin. Napa daing ako at napa pikit. Ang mata ko!!
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Novela JuvenilSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...