Ang Sisiw at Ang Agila 37

57 0 0
                                    

SISI's POV

"Anong plano mo, sasabihin mo ba kina Inay Lota?" si Mimi.

Naikwento ko na sa kaibigan ang nagyare sa amin kahapon ni Eagle. Ang dahilan kung bakit hindi ako naka uwe. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi nag taka ang mga magulang eh.

Umayos pa ako ng upo at sumandig sa headboard ng kama. Inilagay sa kandungan ang unan. Tulog na si Falcon.

"Hindi. Hindi ko nga alam kung paano ko ipapaliwanag. Kung saan ako mag uumpisa. Saka sinabihan ko si Falcon na ako nalang mag sasabi kina Nanay na meron syang instant Daddy."

Pumalatak si Mimi.
"Ayus talaga si Hertz, anu? Imagine... Ang tagal nyang nawala tapos ganun pala ang dahilan. Kabog ako sa iyo, girl! Haba ng hair! How to be you po?"

"Ming..." ungot ko. Hindi nakaka tuwa!

Kaka kilig lang...

Bwisit kasi! Pa kyeme pa ang puso ko, babagsak din pala.

"Kuuu! Kung ako sa iyo! Go na, aba?! Nag pabahay kana, hindi pa ba sapat na signed iyun para sabihin talaga na 'talagang ang lakas ng tama sa iyo ni Hertz'! Saka hello! Ang tindi ng rason nya kaya hindi sya naka balik agad."

Malalim akong napa buntong hininga.
"Ming. Alam mong hindi si Eagle ang problema dito. Ako! Ako yung may problema."

"Ewan ko ba naman sa iyo, Sisi. Aminin mo nga, meron ka pa bang feelings kay Hertz?"

"Me-meron?" napa yuko ako sa kandungan.

"Parang hindi tunog sigurado."

Malalim ulit akong napa hinga.
"Ming. Mahal ko pa si Eagle. Ang kaso--"

"Ang kaso takot kang umamin. Jusmio naman Sisi. Bente kwarto kana! Ay wait, si Hertz ba? Sinabi ba nyang mahal ka rin nya?"

"Oo." sagot ko agad na muntikan nang ikabasag ng eardrums ko sa biglang pag tili nito.

"Letse! Mahal ka naman pala eh ano pang pinapatumpik tumpik ko?! Eh di umamin kana!"

Namula ako. Wala pa man pero hindi ko kaya! Nasapo ko ang dibdib ng maimagine kong mag tatapat ako kay Eagle. Ang gulo na naman ng tyan ko.

I cannot!

"Na--aano ako Mimi."

"Na aano?"

"Nag aalangan ako."

"Putragis naman, Sisi. Ikaw na pinapatayuan ng bahay ikaw pa nag aalangan---" biglang nawala si Mimi.

"Ming?" pero patay na ang tawag.

"Lobat ako. Wait!!" basa ko sa text na kaibigan.

Limang minuto bago muling tumawag si Mimi na akala ko ay hindi na tatawag.

"So asan na tayo?"

"Kay Eagle?"

"Gaga! Ikaw ang topic dito. Yung pag amin mo."

"Pag amin?! Hindi ako aamin." manigas na ang dapat manigas!
"Ang tagal kong nag antay kay Eagle! Saka na ako aamin kapag napa liwanag na nya yung ibang istorya ng pagka wala nya."
Narinig ko ang pag palatak ng kaibigan sa kabila.

"At naninigurad--" nag tatakang napa tingin ako sa hawak. Wala na pala akong kausap.

"Wait. Deadbat na. Tawag ulit wait lang." basa ko muli sa text nang maputol.

Hindi lang ako five minutes nag angay. Nang mag ring nanaman ang phone ko. This time landline na. Natatawang sinagot ko ang tawag.

"Hoy Mimi. Yari ka kay Tita Agi. Gamit mo landline. Mahal babayaran mo! Kaya matulog na tayo! Bukas na tayo mag chikahan tungkol kay Eagle. At huwag na huwag mo akong pipiliting paamin doon na mahal ko pa yung ibon na iyon. Wala kang aasahan. Saka na kapag may singsing. Kaya good night! Love you!"

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon