Ang Sisis at Ang Agila 26

69 6 2
                                    

EAGLE HERTZ POV

Yung oras ng tanghalian ni Sisi, naging oras na ng miryenda.

"Tara na." Aya ko sa kaklase pagka hugas nito nang pinag kainan. Ayaw nitong pumayag na ang mga kasambahay na ang mag asikaso ng pinag kainan.

"Mag dala ka ng tubig. Iinom ka pa ng gamot." Nauna na sya ng silid.

"Oh." Inabot ko ang tabletas na iinumin "Tapos mahiga ka. Lalagyan ko ng gamot yang likod mo."

Napa ngiwi si Sisi matapos uminom ng gamot.
"Ako nalang mag lalagay."

Umangat ang isang kilay nya.
"Bakit makikita mo ba iyang lalagyan mo sa likod mo?"

Halata sa mukha ni Sisi ang pag alumpihit.
"Dumapa ka na. Wala akong ibang gagawin."

Dumapa nga si Sisi sa gitna ng kama, yung pabalagbag.
"Iaangat ko yung damit mo, okey?" Hindi ko maiwasang mapa mura ng makita ang likuran ni Sisi.

"Mahapdi pa ba pag nilalagyan ng gamot?" Tanong ko habang nag papahid ng ointment.

"Hindi na masyado. Halata pa ba?" Nilingon sya ni Sisi.

"Medjo." Muli kong ikinabit ang hook ng bra nito saka ibinaba ang damit.
"Bukas, sasama ka sakin sa barangay. Kayo ni Kyle. Ipapa bluter natin yung mga tarantadong iyon."

"Sige."

Sabay pa silang napa lingon ng may kumatok.
"Hertz, hijo." Si Manang Martha.

Umayos ng upo si Sisi. Tumayo sya. Nang bumukas ang pinto ay sumilip si Manang Martha.

"May bisita ka."

Bago pa sya makapag tanong kung sino ay lumuwang na ang bukas ng pinto at bumungad sina Troy at Mark.

"Her--" ang anu mang sasabihin ni Mark ay naudlot ng lumagpas ang tingin nito sa kanya. Natuon sa kanyang kama.

Si Troy ay nag palipat lipat lang ang tingin sa kanila ni Sisi.
"K-kamusta ka na?" Tanong nito ng makabawi. Isinara ang pinto.

"Umm, okey na."

Nang tingnan ko si Sisi, kagat nito ang labi na naka tingin rin sa kanya. Hindi maitatago ang pagkailang sa mukha.

"Bakit nga pala kayo nan dito?"

Kahit hindi sinasabi, nag kusa na ang dalawa na maupo sa sofang naruon.
Naupo nalang sa muli sa gilid ng kama.

"Nireport na namin sa school yung nangyare kanina. Kailangan na lang makita yung apat na estudyante. Taga public school sila hindi ba? Tatlo lang naman ang malalapit na public school sa atin." Si Troy.

Napa tango tango sya.
"Eh anong ipinunta nyo rito?" Binalingan nya si Mark.
"Pwede nyo naman kaming tawagan kung pangangamusta la-- aww!"

Sinamaan nya ng tingin si Sisi ng biglang manghampas ng braso.

"Bastos ka talaga!"

Angil lang ang isinagot nya sa kaklase bago muling balingan ang dalawang bwisita.

"Pumunta kami para maging testigo. Saka dagdag information na din sa taong mag iscetch ng mukha nung apat na estudyante." Si Troy.

"Okey. Makaka alis na kayo." Hindi na man sa pambabastos pero hindi na talaga welcome ang dalawang ito sa buhay nya.

"Eagle!!" Hindi na rin nya pinansin si Sisi. Tumayo sya upang tumungo ng banyo.

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon