SISI's POV
"M-Mama?"
Nanlaki ang mga mata nya ng pagtingin nya sa anak ay naka tingin ito sa kanila ni Eagle.
Kanina pa ba ito gising?
"N-Nak..." pilit kong inaalis ang braso ni Eagle pero ang lalaki ayaw maki sama.
"Eagle. Umayos ka nga! Mahiya ka naman!" mahinang sita ko.
"Dapat masanay na si Falcon na ganito tayo." naka nguso nitong anas na rinig na rinig ko naman. At tila pa napipilitang lumayo.
"Uuwe na tayo, kiddo." si Eagle kay Falcon.
"Baba kana?""Bakit mo yakap, Mama ko?"
"Fal--"
"Sinabi ko na sa iyo kaninang umaga di ba?" si Eagle. Ibinaba ang bata sa lapag upang maka ayus ng tayo.
"Pumunta ka na ng banyo."
"Halika, anak." inakay ko ang anak sa banyo nitong opisina.
"Ma?" isinara ko ang pinto at binuksan ang shorts ng anak.
"Mama."
"Oh?" hinayaan kong mag wiwi ang bata sa toilet bowl.
"Bakit ka nya yakap? Saka ako, love kita. Bakit sya din love ka?"
Napapa ngiwi ako habang nag bubuhos ng bowl. Mukhang ang daming napa kinggan ng anak. Ang daming tanong eh.
"Hugas ka mu nang kamay." sabay lapag ko ng tabo at abot ng sabon. Agad naman itong kumilos.
"Saka sabi nya galing syang malayo. Di ba yung tunay kong Papa sabi mo nasa malayo. Eh di ibig sabihin sya Papa ko."
Napa sapo nalang ako ng nuo. Parang nag b-back fire sakin lahat ng kwentong inimbento ko kay Falcon kaya wala itong ama.
"Ma..."
"Punas ka." inabot ko yung towel sa sabitan. Saka ko sya iginaya palabas.
Si Eagle naka sandal sa pader malapit sa pintuan ng banyo.
"Pagamit ako."
Tumango lang ako at tumabi. Inayusan ko si Falcon. Tapos na kaming mag-ina ng lumabas si Eagle.
"Tara na."
Kinuha ni Eagle lahat ng gamit nilang mag-ina. Saka nauna ng lumabas.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan. At ibinaba na lahat ng pananggalang na trapal.
"Sisi. Mamaya na kaya kayo umalis. Baka abutan kayu ng baha." si Mimi na nababahala.
Napa isip naman ako roon. Pero sabay kaming napa tingin sa entrada ng kaininan ng sunod sunod na bumusina si Eagle.
"H-hindi naman siguro." hinalikan ko ang kaibigan.
"Lakad na kami.""Ingat. Mag sasara ako ng maaga. At bukas kapag hindi tumila ang malakas na ulan wag na kayung pumasok. Close rin tayo."
"Sige. Ingat kayu rito." lumakad na ako.
Sinalubong kami ni Eagle. Pinayungan hanggang sa maka sakay.
"Salamat."
Agad na sinara ni Eagle ang pinto saka dali daling pumasok sa kabilang panig.
"Grabe, ang lakas ng ulan." halos wala na akong makita.
Sa takot na maaksidente ay nayakap ko si Falcon.
"Teka. Ayos lang bang mag take out muna tayo?"
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
किशोर उपन्यासSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...