Ang Sisiw at Ang Agila 30

60 6 2
                                    

SISI's POV
"Hayan! Tapos na! Tingnan mo." Bahagya pang tumalungko si Mommy Bell matapos syang lagyan ng make up at ayusan ng buhok.

Ilang ulit syang napa kurap. Pinaka titigan ang kanyang sarili sa salamin. Maayos ang kanyang kilay, hindi na makapal. Hindi naman makapal ang make up nya pero hindi pa rin nya makilala ang sarili.

Ang tamad mo kasing mag-ayos!

Napa ismid sya sa sarili. Nakaka tamad naman talagang mag ayos eh!

Ang kanyang labi, hindi naman iyon pula. Parang kulay alak iyon. Red velvet?

"Ang ganda ng anak ko!" Bakas sa tinig ni Mommy Bell ang tuwa habang ginalaw galaw pa ang tinuwid nyang buhok na iniwaterfall ang ayos saka nilagyan ng mga maliliit na bulaklak na bobpins.

"S-Salamat po Mom." Nahihiya ako. Paano kaya ang magiging reaksyon ng kapatid?

"Hala! Mag bihis kana. Iiwan muna kita." Lumabas ng silid si Belinda.

Nilapitan nya ang damit na naka latag sa sahig. Inabot nya iyon at niladlad.

Kulay krema na may pagka pale pink ang gulagulanit na laylayan niyon mula gitnang hita hanggang sakong. Ang manggas ay tila pinilas sa apat na pinag kabit hanggang sa puno ng kanyang pulso.

Ang Daddy at ang Kuya nya ang namili ng damit na iyon.  Yung totoo, hindi nya alam kung maaasiwa ba sya sa itsura ng damit. Formal/semi-formal ang party kaya dapat na ganun ang attire nya sa nasabing okasyon. Pero itong damit nya... sexy ang datingan.

Nang isukat nya ang damit ay hindi nga sya nagka mali. Hapit iyon sa katawan, malambot pati iyon.

Sunod nyang isinuot ang pink ring sapatos na de takong na kailangan pa nyang itali sa buong binti ang mga maninipis na sinulid niyon.

Nag wisik pa sya ng pabango bago tuluyang lumabas ng silid.

"Wow!" Si Françua na napa tayo pa sa kinauupuan nito. Pinasadahan sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Baby girl..."

Naka ngiti naman ang kanyang mga magulang. Nababakasan rin paghanga.

"K-kamusta ang itsura ko?" Nag iinit ang mga pisngi ko sa titig ng kapatid.

"You look great! No wonderful! Ay hindi rin! Ah, Basta! Maganda ka. Higit pa sa maganda!" Malawak na ngumiti ang kapatid at tumabi sa kanya.

"Picturan mo kami, Mom." Ungot ng kapatid na sinunod naman ng kanilang Mommy.

Naka ilang kuha rin sila.

"Ano palang oras ka susunduin ng partner mo?"

"Six thirty daw." Tumingn ako sa naka sabit na lalagyan. Konse minuto pa.

Ngunit sampung minuto bago sumapit ang itinakdang oras ay dumating na si Patrick.
Ang kapatid ang humarap dito.

"Pasok ka.."

Agad nyang inabot ang lilang purse na nag lalaman lang ng pera, panyo at phone, tumayo. Sinalubong ang bisita.

"S-Si-Sisi?" Naniniguro pang biglas ni Patrick. Pasimple rin nitong kinusot ang mga mata. Namula.

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon