Hi guys! Kamusta? Ang tagal kong mag update nuh?
SISI's POV
"Mama?" si Falcon habang pinopolbosan ko ang likod.
Nag hahanda na sila sa pag tulog."Yes bebe?" sinuotan ko ang anak ng pajama set.
"Lapit na birthday ko. Mag four na ako." sabay pakita ng apat na daliri.
Ipinahiga ko ang anak saka tumabi rito.
"Next month pa birthday mo, anak." August 11, samantalagang July 2 palang ngayon."Lapit na iyun." sabay yakap nito at subsob sa dibdib ko.
"Kuuu! Oh, sya. Malapit na. Anong gusto mong gift?" sinuklay ko ang buhok nito.
"Pasyal." napa hikab ito.
"Sige!"
"Mama. Love mo ko?"
"Oo. Sobra at madami." niyakap ko ang anak. Nag lalambing ito.
"Mas mahal mo ako kesa dun sa friend mo?" maang itong naka tingala sa kanya.
"Mas mahal kita kesa doon kay Tita Mimi." napa tawa ako.
"Hindi! Yung lalaki na lagi nag g-give ng biscuit."
Si Eagle.
"Oo naman!" bulalas ko.
"Mabait yun kahit laging parang si Lolo sungit. Ni tatanong nga ako nina Hunder at Caden kung Daddy ko yun."
Napuno ng sari saring emosyon ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa bata. Kung paano ang gagawing eksplenasyon.
"Sabi ko sa kanila, hindi. Kasi si Papa France na Papa ko."
"Tulog na anak." nasabi ko nalang.
Dahil kung mag tatagal pa ang pag uusap nila, iiyak na sya.
Yung gago kasing naka buntis kay Sarah. Wala naman kasi silang kaalam alam doon. Isang beses palang ipina kilala sa amin ni Sarah.
Kawawa tuloy itong pamangkin nya.
Malalim na ang gabi pero hindi parin maka tulog si Sisi.
Lumabas sya nang silid. Tinungo ang kusina."Oh?" si Tatay na mabungaran ako sa kusina na kumakain.
"Kain, Tay." alok ko habang tinutungo nito ang banyo.
"Ala una na, ah. Nag dala kana naman nang trabaho rito?" tanong ng lalaki pagka labas ng banyo.
"Hindi po. Nagutom lang."
Akmang lalabas na kusina ang Ama amahan ng tumigil ito at lumingon.
"May nabalitaan ako, ah?"
"Hmm?" namumukulan ang bibig na nag angat ako ng tingin.
"May sumusundo sa inyong mag-ina. Ano? May nanliligaw na sa iyo? Hindi man lang namin alam."
Nahirinan ako sa narinig.
"Tay, wala ah?!"
"Kuuu, Sisi. Ayusin mo iyan. Hindi ko mo may anak kana eh, basta basta nalang kung sino ahh? Ayokong magaya ka kay Sarah." iyon lang at tuluyan na itong lumabas.
Dali dali kong inubos ang kinakaing biscuit at milo.
UMUULAN. Karga ko ang anak habang papalabas ng gate. Kailangan nilang mag commute dahil wala silang sasakyan.
Tyak na matatagalan sila sa pag sakay atma tatraffic.Pahakbang na sya ng may bumusinang isang kotse, papalapit sa kanila.
"Akina, si Falcon." si Eagle nang maka baba at makalapit hawak ang isang malaking payong para sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Teen FictionSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...