Makalipas ang Anim na taon....
SISI's POV
I see you standing there, far out along the way
I want to touch you, but the night becomes the day
I count the words that I am never gonna say
And I see you in midnight blue
I will love you tonight
And I will stay by your side
Lovin' you, I'm feelin' midnight blue
(Midnight blue)Naglapat ng tuwid ang mga labi ni Sisi habang hawak ang maliit na teddy bear na may hawak gitara. Kapag diniinan mo ang ilong noon ay maririnig nya ang recorded song ni Eagle na kantang Midnight by ELO.
Ibinigay iyon ng Amain sa kanya sa mismong kaarawan nya samantalang inabot pala rito ni Eagle iyon sa maranda ng gabi ring magka hiwalay sila.
Nanubig ang kanyang mga mata.
Kamusta ka na kaya...?
Na aalala mo pa ba ako?Anim na taon na. Ang dami ng nag bago. Ang dami na ring nangyari.
"Ma'm?"
Ilang ulit syang napa kurap ng sumungaw ang ulo ni Lourdes sa pinto ng opisina. Pasimple nyang itinago sa bag ang bear.
"Yes?"
"Ma'm. Yung suki nating mga riders, nasa baba eh."
"Ah sige. Bababa ako."
Nang mawala ang katiwala ay tinapik tapik ni Sisi ang pisngi. Sinapit ang mukha sa salamin kung marumi ba ang mukha. Nakaka hiyang humarap sa costumer kapag mukha kang aswang. Manager pa naman ang role ko.
Pinag mamasdan nya saglit ang sarili sa simpleng stripes na bestida na walang manggas at sapatos na pinarisan ko ng medyas na itim na umabot hanggang sa itaas na tuhod. Nang masigurong ayos ang itsura ay kinuha muna nya ang apron saka bumaba sa kusina.
Ayun awa ng Diyon naka tapos ako ng Management na kurso. At ang pangarap kong sari sari store, heto! May Lomi House na ako! Kasosyo ko naman ang kaibigang si Mimi.
Tumulong si Sisi sa pag luluto at pag aasikaso ng order.
"Ma'm!" Si Marina. Cashier nila.
"Dumating na yung P.O?""Ha?" Napa mura ako sa isip. Nakipag sabayan pa naman ang bwisit na product order nila.
"Sige. Sabihin mo saglit lang. At huwag kamo syang atat!" Lahat kami banas sa delivery man.
Inabot pa sya ng sampung minuto bago lumabas sa backdoor. Agad na inasikaso ang mga produkto.
"Salamat. Sa uulitin ho." Pero labas sa ilong ang pag kakasabi niyon ng delivery man.
"Grrr! Ma platan ka sana!" Sikmat ko at tumalikod na.
"Ma'm okey na po." Si Tevan. Yung cook namin.
"Salamat po.""Sige. Akyat na ako ah? Tawag lang kayo kapag may problema."
Pagdating sa opisina ay naruon na ang dalawang bagets at si Mimi na pagod na pagod ang itsura.
"Mama!" Tuwang niyakap ni Falcon ang binti nya.
"Ninang Ganda..." nag mano sa akin si Minami.
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Teen FictionSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...