Ang Sisiw at Ang Agila 8

68 2 0
                                    

SISI's POV
Si Sisi, naka upo sa isang tabi.
Pinag mamasdan ang ilang kalahok na natitira na abala sa pag eensayo ng talento.

"Sisi?" tumabi sa kanya si Mimi, ginagap ang kanyang kamay.
"Ayus lang ang kabahan anu kaba? Bakit hindi mo nalang ienjoy ang ginagawa mo?"

Hindi sya umimik. Imbis ay napa buntong hininga. Sa totoo lang, kinakain na talaga sya ng kaba. Paano kapag nag kamali sya? Paano kapag naka limutan na nya ang kanyang sasabihin? Paano at marami pang paano...

"Sabi ni Troy, kinakabahan din sya. Ayaw nya kasing mapa hiya ang section natin dahil ito nga naman ang unat huli nating pag sali." tinapik tapik niya ang kamay ko.
"Teka, anu nga bang talent mo?"

"Ano--"

"section D. Kayo na!" anang isang assistant mula sa labas.
"Mag ready na po ang section H sa loob ng ilang minuto." bilin pa nito bago lumabas ng silid.

"Mimi..." mangiyak ngiyak na hinawakan ko ang kamay nito.
"Sa harapan ka mamaya, ahh. Yung kita kita, ah. Para hindi ako madistract. Okey?" hiling ko pa bago tumayo.

Bahala na.

Dumating na ang oras ng pag peperform nina Sisi at Troy. Pinag mamasdan lamang ni Sisi ang ginagawa ng kaklase sa stage. Mula sa stage lumipat ang tingin nya sa likuran ng mga judgest. Hinahanap ang kaibigan. Nakita naman nya sina Mimi at Kyle na hirap maka pwesto sa unahan.

Hanep din ang kaibigan nya, inaasahan nyang si Mimi lang ang makikita pero idinawit pa nito ang isa.

Nagpalakpakan na may kasamang hiyawan ang lahat sa kantang acoustic ni Troy na pinamagatang "sweetest surprice" ng bandang MLTR.

Tinawag na ng MC ang pangalan ni Sisi.

"Good luck!" nakipag apiran sa kanya si Troy. "Kaya mo iyan."

Tumango lang sya at confident na tinungo ang Mic sa gitna. Inayos.

"Magandang gabi." mahigpit at dalawang kamay akong humawak sa stand at mic.

"Magandang gabi rin sa iyo, Miss Harley Queen." ang baklang MC na ikinahiyaw ng mga audience.
"Bet na bet nyu anu?!" muling nag ingay ang lahat.
"Oh sya, dahil bet nyo na. Anu nga bang talent ni Ms. Harley Queen ng Section Hertz?"

"Mag uumpisa na po ako ahh?"
abiso ko at kiming ngumiti sa lahat saka muling huminga ng malalim.
"Pero ngayun palang ay ipag paumanhin nyo na po ang mga salitang lalabas sa bibig ko."

Bahagya akong lumayo sa mic, pumikit at huminga ng malalim. Sa pag dilat ay hinanap nya sina Kyle at Mimi. Tinanguhan.

"Naka tayo ako ngayun sa inyong harapan,
Mag isa at bahagyang kinakabahan.
Ngunit hayaan nyu kong ipaalam
Ang damdaming kong ipinang hihinayangan
"Ang tula na pinamagatan kong...
Hindi lahat ng Kaibigan ay mag Ka-Ibigan"

Oo, spoken poerty.
Yun lang ang maitatalent nya dahil hindi naman sya marunong kumanta at tumugtog. Lalo na ang sumayaw dahil parehong kaliwa ang paa nya.

Huminga sya muli ng malalim at inilibot ang tingin. Ni wala syang marinig na cheer o ingay manlang.

"Isang araw na akoy nag papahinga,
nang bigla kitang maalala.
Ilang araw, lingo, buwan at taon,
Aba'y ang ang tagal na pala!"

"Mula ng ika'y lumayo
Tayoy hindi na muling nagka tagpo.
Simpleng 'kamusta ka na ba?'
Ni wala kahit pa pabiro."

"Nang hindi naka tiis, ikay pilit na ni reach.
Simple 'miss na kita.' hindi inakalang may katugon na pala.
'I miss you too.' "

Ibubuka palamang nya ang labi ng sunod sunod na mag ingay ang audience. Nabawas bawasan ang nadarama nyang kaba. Sumenyas sya ng 'tahimik' pero iilan lang ang nanahimik.

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon