EAGLE HERTZ POV
"Andito ka lang pala!"Napa lingon si Eagle buhat sa paninigarilyo. Si Sisi.
"Anong kailangan mo?" Ibinuga ko ang usok ng sigarilyo. Ni hindi kumilos mula sa pag kakahiga.
Katatapos lang nyang kumain, at nag papalipas nalang nang oras para sa pang hapong klase. Nasa likod sya ng Auditorium, mahangin rito kaya rito sya tumatambay kapag nag uubos ng oras. May mahihigaan pa syang mga patas na kahoy na ginagamit sa pag ayos ng building sa college dept.
"Noong isang araw pa kita hinahanap." Lumapit ito.
"Mag babayad ako nang utang.""Utang?" Kumunot ang nuo ko sa narinig. Itinapon ang papaubos na sigarilyo. Umupo.
"Oo. Diba binili mo ko ng gamit ko noong naka raan." Nag halungkat ito sa bag.
Naka raan?
Nang maalala nya bigla ang nakaka hiyang pang yayare noong makalawa. Ang pag bili ng gamit nitong underwear at sanitary brand.
Nakaka hiya talaga iyon, kalalaki nyang tao!!Akmang pipigilin nya ito ng may marinig na kakaiba. Lumalim ang gatla ng kanyang nuo ng makitang nasapo saglit ni Sisi ang tyan nito.
"Heto." Sabay lahad ng one hundred pero bill.
Tinitigan nya lang iyon. Umangat ang tigin nya sa mukha nito. At ang kaklase, iwinagayway sa mukha nya ang hawak.
"Kunin mo na, o, kulang pa?"
"Kumain ka naba?"
Umiling ito tulad ng unaasahan.
"Kakain palang kami. Kunin mo na."Kami? Sinong kami?
"Maupo ka." Iginaya nya ang ulo sa bakanteng espasyo ng kinauupuan."Uupo ka o pa uupoin kita?" Banta ko.
Pero dahil matigas rin ang bungo ng isang ito...
"Kunin mo muna ito saka ako uupo..."
"Maupo ka. Saka ko kukunin iyan." Gugulangan mo pa ako ah?!
Mahina itong napa mura. Nag dadabog na umupo ilang dangkal mula sa kanya. Saka nya lang kinuha rito ang pera, pang gasolina rin iyon.
Sandi itong nag dudutdot sa phone."Kumain ka na ba?" Tanong nito habang inilalabas ang binalutan.
"Tapos na."
Bigla sya nitong inalok ng isang hita ng manok.
"Sige na."
Walang imik na kinuha nya iyon. Putek! Ang ganit naman nito!
"Anong ulam ito!?" Para akong kumakain ng goma!
"Fried chicken yan!"
"Alam kong fried chicken ito." Ibinalik ko rito ang ulam.
"Pero bat ganiyan?!" Kinuha ko sa kamay nito ang hawak nitong pakpak. Pero pag kagat ko, ganun rin. Maganit!"Sambot kasi iyan!"
"Sambot?" Anung sambot?!
"Nanalo si Tatay sa sabong. Iniuwe nya yung tinalo nyang manok."
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Ficção AdolescenteSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...