Ang Sisiw at Ang Agila 7

69 2 0
                                    

SISI's POV
"Saan kana nan?" tanong ko kay Eagle habang papalayo kami ng kainan.

"Uuwe na."

Tumango tango lang sya, binalingan si Troy.

"Kailangan pa nating bumili ng gagamitin mo mamaya sa pageant."

"Meron na akong gamit." napa kiusapan naman nya si Sarah na pahiramin sya ng gamit at iingatan iyun.

"Anu kasi Sisi..." nag iwas ito nang tingin
"Sabi kasi ni Mimi may nag sabutahe ng gamit mo. Sira sira na yung mga gagamitin mo mamaya."

Sa narinig ay napa tigil sya.
"P-paki ulit nga!"

Napa buntong hininga si Troy.
"Yung mga gamit mo daw na gagamitin mamaya, sira sira na sabi ni Mimi."

Natetensyong nasapo nya ang nuo.
"Eh sino daw ang may gawa?! Bakit ginawa iyun sa gamit ko? Hindi sa akin iyun Troy!!"

Hindi dahil nasira ang gamit ni Sarah kaya sya na tetensyon, kundi, dahil sa magiging reaksyon ni Sarah. Ibang klase pa naman iyung magalit. Na nanakit. Dahil lahat ng gamit ng step sister ay bili ng boyfriend nito.

Patay kang bata ka Sisi!

Umiling si Troy.
"Alam na ni Ms. Matusalem ang problema. Hinahanap na nila."

Napa lingon siya sa katabi ng marinig itong umismid. Sinamaan nya ito ng tingin.

"Alam nyo, useless din iyung ginagawa nilang pag hahanap eh." si Eagle.
"Its either na ka kompitensya nya o kaklase natin ang gumawa. Pero kung titingnan ang una, hindi ka naman ka gandahan kaya alam na nilang panalo na sila."

So, kailangan talagang ipamukha eh no?!

"Kung kaklase naman natin.. Sabi mo injured si Fatima? Sa tingin mo magagawa ni Fatima ang lumakad palabas ng bahay nila?"

Sya naman ang napa ismid.
"Eh ang dalawang bataan ni Fatima? Si May at si Helga?"

"Bakit? Sina May at Helga lang ba ang maaring pag tripan ka?" ngumisi ito.

Oo nga naman!

Nag palipat lipat ang tingin ko sa dalawang kaklase.

"So posible ring isa sa inyong dalawa rin ang may gawa?"

"Ano?!" si Troy "alam nyo, itong pag uusap natin ang useless. Eh kung bumubili na kaya tayo ng mga gagamitin mo anu?" sabay talikod nito.

May point!

Sinundan ko si Troy pero nakaka ilang hakbang palang ako ng may humigit sa akin papuntang ibang direksyon.

"Teka, Eagle! Si Troy!!" nilingon ko si Troy na panay ang tipa sa hawak na phone habang nag lalakad.

"Hayaan mo sya."

"Pero hahanapin nya ako!!" hinawakan ko ang kamay nyang hawak ang isa kong braso.

Tila walang narinig ang kaklase tuloy lang kami sa paglakad pababa ng hagdan hanggang sa pumasok ng isang establishimento.

"Welcome po Sir--" pero nilagpasan lang ni Eagle ang magiliw na pag bati ng lalaking staff.
"Ma'm." tinanguhan ko nalang ang staff na may tipid na ngiti.

Binitawan na sya ni Eagle. Lumapit sa mga pantalon.

"Nakaka hiya talaga iyang ugali mo no?!" mahina ngunit gigil kong sita sa kaklase ng maka lapit.

"Mas gusto mong kasama ang boring na si Troy?"

Nag salubong ang kilay ko.
"Anung kinalaman ni Troy?"

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon