Ang Sisiw at Ang Agila 29

60 4 1
                                    

SISI's POV
Napa kurap ng ilang beses si Sisi ng may pumitik sa tapat ng mukha nya. Si Mimi.

"Anu, Sisi? Tara na! Tulala kana naman dyan eh. Bibili pa kayo ng materyales."

Ay, Oo nga pala! Gagawa na sila ng proyekto sa pisika.

Napa lingon sya sa gawi ni Eagle.
Kausap nito sina Mark at Troy.

"Kyle!" Si Troy "sandali lang."

Nag tataka namang lumapit si Kyle.
Hindi na ito gumagamit ng saklay pero marahan lang ang ginagawang lakad.

"Mimi. Hindi ba delikado yung ginagawang pag lalakad ni Kyle?"

"Hindi naman daw. Sabi ni Tita huwag lang daw pupwersahin kasi baka mamaga."

"Ahhh..." tatango tango ako. Saka muling binalingan ang mga kaklase.

Pero natuon ang tingin nya kay Eagle. Kung paano ito mag salita, gumalaw, umiling, ngumisi at mag salubong ng kilay.

Napa ayos sya ng upo ng biglang tumingin si Eagle sa kanya habang naka ngisi. Kumindat.

Putcha!
Wala sa loob na napa hawak ako sa tapat ng puso. Ilang beses syang kumurap kurap kasabay ng mahinang mag hinga. Marahan.

"Sisi?" Napansin sya ni Mimi na abala sa pag cecellphone.

"Ayos ka lang?"

"O-oo? Siguro..." nadakot ko ang dibdib. Hindi normal ang tibok ng puso ko. Ang bilis. Para akong kinakabahan na nababahala na kung ano.

Noong byernes pa ito ahh..

Tumayo ako. Isinukbit ang bag.
"Mimi. Punta lang akong clinic."

"Ha?" Naibaba ni Mimi ang phone. Inalalayan sya.
"Anu bang nararamdaman mo? Kanina ka pa ah? Lagi kang tulala."

Oo nga. Kahapon pa nga sya ganoon, natitigilan. Napapaisip. At ang iniisip nya yung mga sinabi ng kapatid patungkol kay Eagle. Puro nalang si Eagle ang iniisip nya nitong naka raang araw. Pino poblema ang hindi naman dapat problemahen.

Ang kaso nga, hindi nya maiwasang isipin!
Lagi talagang sumisingit si Eagle.

"Kaya ko. Mag antayan na lang tayo sa gate."

"Hindi sasamahan kita!" Dali dali itong isinukbit ang bag.
"Kyle! Samahan ko lang si Sisi sa click. Sa gate na tayo mag kita."

"Bakit?" Si Mark. Binalingan sya.

"Mag papatingin lang ako. Tara na, Ming."

Pagdating sa clinic ay chinek ang temp. nya, ang blood pressure at tinanung ng kung ano.

Ang resulta kasalanan ng gamit nyang panloob. Masikip kasi.

Para syang naginhawaan sa narinig.

"Salamat po." Sabay naming sambit ni Mimi sa Doctor ng school.

Sa labas ng skwelahan ay naroon na sina Kyle at Eagle na naka sakay sa motor nito.

"Kamusta?" Si Kyle.

"Ayos lang sya. Wala namang problema." Nag ngitian kami ni Mimi.

"Tara na." Aya ko sa tatlo.

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon