SISI's POV
Dalawang oras nalang pasko na!
Yeeey!
Nagusot ang mukha ni Sisi dahil sa mga gabok ng uleng na sumama sa hangin."Hmp!!" Pigil ang pag hinga, pinag pagan ko ang katawan dahil sa uleng.
Kasalukuyan nyang inaayos ang ihawan.
"Nay!!" Tawag ko sa Ina habang papanhik ng bahay.
Nag tutuhog ng karne si Sarah na iihawin nya. Ang Amain ay nag hihiwa ng gulay. Nag luluto naman ang kanyang Inay.
"Lighter?" Nagpalipat lupat ang tingin ko sa mag asawa.
"Oh!" Initsa sakin ni Tatay ang lighter.
"Sisi, wag mong sunugin ah." Si Sarah
"Nung last year yung ibang karne, hilaw, baka ngayun gawin mung uling."Napa ngiwi sya habang hawak ang tupperware ng BBQ at sarsa na pamahid. Lumabas ng bahay.
Ipinatong nya sa isang bangko ang dala. Nagpa rikit. Pinapaypayan nya ang baga ng mag ring ang cp sa bulsa ng shorts.
"Low?" Inipit ko sa balikat at tenga ang cp para maayos ang ihawan.
"Hey!"
Kumunot ang nuo nya habang inilalagay ang mga BBQ.
"Baket?""Wala lang..."
"Wala lang, o Wala ka lang magawa?" Nag paypay ulit ako at umayos ng tayo.
"Parang ganon."
"Tsk! Nag iihaw ako." Napa tingin ako sa gate ng naka rinig ng sasakyang tumigil sa tapat.
"Sino ito?"Inaninag nya ang mukha ng lalaking bumaba ng sasakyan, may kinakausap pa sa loob niyon.
"Ha? Anu iyun, Sisi?"
"May pumaradang sasakyan sa tapat." natigilan at napa isip ako.
"Teka, asan ka!?" Salubong ang kilay ko na hindi inaalis ang tingin sa kotse.Pero kulay grey na may black ang kotse nitong si Ibon eh.
"Andito ko sa amin. Bakit?"
"Tao po? Magandang gabi po."
Tawag ng lalaki. Naka lab-coat pa."Eagle. Sandali lang, may tao."
Hind na nya ito hinintay makasagot, ibinaba na nya ang tawag."Magandang gabi rin po." Aniko sa lalaki.
"Sino po sila?""Ah, Ako si Ronald Simmon. Hinahanap ko si Carlota Delos Reyes."
"Sandali po." Nag tataka man, agad kong tinakbo ang loob ng bahay.
"Nay! Nay nag hahanap sa labas, Ronald Simmon daw."
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Sino po iyun Nay?"
"Anu daw ang kailangan?"
"Hindi ko tinanung, Nay."
Magkaka sunod silang lumabas ng Ina. Binalikan nya ang iniihaw.
Muntik pang masunog!Napa lingon sya sa gawi ng gate.
Nasa tabi lang ang amain, habang ang Inay ay naka tayo sa labas ng kotse at tila may kausap sa loob niyon.Pinahiran nya ng ketchup na may toyo ang iniihaw matapos iyun baligtarin.
"Te' Sarah! Penge ng plato." Sigaw ko.
Nakalimutan kong kumuha."Oh!" Si Sarah na nanatili sa may gitna ng hagdan. At sya pa talaga ang pina lapit.
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Novela JuvenilSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...