SISI's POV
Sanda makmak na message at tawag na rin ang ginawa ni Sisi, nag 50% na't lahat ang battery ng phone nya, ni isang response mula kay Eagle wala syang natanggap.
Nag bago ang plano nila.
Dumating na rin si Kyle, Late ang kaibigan dahil sa hung over, nasa baba at kumakain.Matapos syang i-interogate ni Mimi niransak naman ng kaibigan ang damitan nya.
"Ming.. hindi kaya para akong tanga nito." Suot ko ang natanggap kong regalo noong Christmas party.
Isang cremang hugging turtle next dress na abot hanggang kalahating hita, wala iyung manggas. Pinarisan ng fishnet stockings at boots. Inayusan rin sya ng buhok ng kaibigan saka ipinasuot ang cute na headband.
"Ayii! Ang cute mo kaya!!" Kinikilig na si Mimi. Inilabas nito ang phone.
"Picture tayu, twing pasko ka lang nagiging tao eh haha."Natatawang nag picture picture silang dalawa.
"Teka" natatawang hinugot ko sa saksakan ang china-charge na phone.
"Yung sakin naman." Inabot ko ang cp kay Mimi saka muling nag picture picture.Naantala kami ng may kumatok, si Kyle. Bukas ang pinto ng kwarto, ngunit nanatili ito sa labas.
Bigla syang naka ramdam ng pagkailang. Kiming nginitian ang kaibigan.
"Kyle! Lika!" Si Mimi.
"Tingnan mo si Sisi, ang cute nya ngayun anu? Haha Sayang wala akong dalang make up."Pero tila alumpihit si Kyle.
"Sisi, may kasama ako."Nagkatinginan kami ni Mimi.
"Si-- Eagle." Anas ko sa pangalan ng kaklase ng makita itong tumabi kay Kyle.Naiilang nang pasadahan sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. As usual, ang lalim ng pagka kunot ng kaklase. Napa hawak sya sa braso ni Mimi.
"Bakit ganyan ang suot mo, malamig pero ang ikle pa nang damit mo."
"Hertz." Si Mimi.
"Ikaw ba kausap ko?"
Isang matalim na tingin ang iniwan nito sa kanya bago sila iwan.
"Antayin namin kayo sa baba."
Si Kyle na naka ngiti.
"Don't worry, Sisi. You look good.
Pero syempre! Mas maganda si Mimi.""Kuu! Hindi mo ko mabobola ano!?" Si Mimi. Napa tawa nalang sya sa dalawa.
"Tara!" Sabay hila sakin ni Mimi.
"Teka Mimi!"
Nababaan nila si Eagle na prenteng naka upo sa sofa. Si Mimi dumiretso kay Kyle. Kasalukuyang palabas ang isang Christmas movie sa television.
"Tara sa kusina, kumain ka muna." sinikap kong patayin ang pagka ilang na naramdaman. Im look good naman daw, edi pangatawanan!
Tiisin ang lamig.Nauna na syang pumunta ng kusina, kumuha ng plato.
"Kanina pa ako tumatawag ah."
"Nag chacharge ako." Pinag bubuksan ang lahat ng naka takip na pagkain.
"Hindi mo narinig yung call alert?"
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Teen FictionSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...