SISI's POV
Matapos mailapag ni Sisi ang bandehado nang kanin ay ipinag pag na nya ang kamay.
"Nay, Itay! Kakain na!!" Tawag ko sa mag asawang na nunuod ng telebisyon.
"Susunod na." Si Nanay.
"Tawagin ko lang po si Sarah."
Tinungo nya ang hagdan. Kumatok sa pinto ni Sarah. Niyagakag ang babae saka muling bumaling sa kusina, naroon na ang mag asawa.
"Si Sarah?" Si Itay.
"Pasunod na rin po." Naupo ako sa tapat ni Inay.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Sarah.
Habang kumakain ay palagiang napapa tingin sa kanya ang Amain na syang ikinaiilang nya.
"Sisi.."
"T-Tay?" Ewan pero bigla naman akong kinabahan.
Inilapag nya ang bandehado ng ulam.
"Ikaw ba'y may boypren na?" Seryoso syang tiningnan ng amain.
"Po!?" Sabihin pa'y nagulat talaga ako sa sinabi ng amain.
Pati ang Nanay at si Sarah ay natigilan rin.
Ano hot seat!?
"W-wala po ah!!" Wala naman talaga.
Pero parang ang bigat lang sa dibdib. Pakiramdam na yung kakaiba. Yung parang may itinatanggi pero wala naman.
"Totoo!!" Dagdag ko pa dahil parang ayaw maniwalang Amain.
"Eh sino yung lalaking may kotse? Nakita kayu ni Pareng Berting sa kanto. Nung undas!!
Kotse? Nung Undas?
"Ay si ano po!" Napa tawa naman ako.
"Kaklase ko po iyun Tay."Putek! Si Eagle pala!!
"Sya din po yung leader namin sa stage play."
"Oh, yung lalaking naka motor na nakita ni Pareng Pio dyan sa tapat.. Nag tatalo pa raw kayo."
Ang chismosa naman ng mga kumpare nito ni Tatay!
"Sya din po iyun Tay. Pinag--" nang mag ring ang cp ko sa bulsa.
Solomon Calling...
"Teka lang po..." paalam ko bago sagutin ang tawag.
"Oh?" Sumandal ako sa dingding ng salas at kusina.
"Sisi, may problema."
"Problema?" Napa kamot ako ng nuo.
"Kulang tayu sa materials, pulang tela raw sabi ni Ate. Saka tali, pang corset yun. Hindi ko macontact si Hertz, kaya ikaw nalang tinawagan ko"
Malalim akong napa buntong hininga.
"Sige mamaya tatawagan ko, baka nasa trabaho pa yun."
Matapos mag pasalamat ay bumalik na sya sa hapag kainan.
"Nay, may ekstra ka ba dyang pulang tela? Kailangan po kasi namin." Muli akong kumain.
Tapos na ang mga kasabay.
"Wala eh."
"Ikaw Sisi, ahh"
Ang Amain matapos uminom ng tubig.
"Kung may boypren ka, dahil mo rito sa bahay ng makilala namin. Huwag ka ng gumaya sa ibang pakalat kalat dyan!! Mamaya ma disgrasya ka dyan, sinong hahabulin namin?!"
BINABASA MO ANG
Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)
Teen FictionSi Sisi, isang tipikal na estudyante. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral at syempre, ang pera. Pero dahil sa isang pakisuyo, ang 'go with the flow' nyang buhay ay nag mistulang 'bare with it...' Paano nga ba dadagitin ng isang Sisiw ang isang...