Ang Sisiw at Ang Agila 11

67 1 0
                                    

SISI's POV
Maayos na ang pakiramdam ni Sisi hindi katulad kahapon dahil sa nangyaring insidente. Hindi rin sila nag kakausap pa muli ni Eagle lalo na ni Fatima.

Miyerkules, araw na rin ang dating ng iba nilang mga kaklase para sa programa.

Napa lingon si Sisi mula sa ginagawang pag aayus ng tent ng may tumapik sa kanyang balikat. Si Françua. Ang lalaki ang laging umaalalay sa kanya kahit pa nakaka hiya na dahil kaya naman nya.

"Urm?" Umangat ang kilay ko ng mag lahad si Françua ng kamoteng kahoy na kinuha nila sa bundok.

"Miryenda."

Binitiwan nya ang ginagawang pag tatali. Nag pagpag ng kamay.
"Salam--aray! Aray!!" Naka ngiwing pinag salit salitan ko ng hawak ang pagkaing mainit pala.

Tinawanan ako ng lalaki.

"Walang nakaka tawa!" Hayup! Hindi manlang sinabing mainit pala.

Tumigil man ito pero naruon parin ang malaking ngiti sa labi.

"Sisi!!"

Napa lingon pareho sina Sisi at Françua sa tumawag.

"Kyle!" Ganting tawag ko.
Lumagpas ang tingin ko sa kaibigan. Tila alumpihit si Mimi.

"Kamusta ang byahe?" Pilit kong pinagagaan ang sitwasyon dahil alam kong hindi kami okey.

"Ayus lang." si Kyle na sinulyapan si Françua sa tabi nya.

"Françua. Doon muna ako sa iba." Tinapik pa sya ng lalaki sa likod matapos mag pakilala at lumakad na patungo sa gawi ng iba.

"Narinig namin ang nangyare sa iyo." Si Mimi.
"A-ayos ka na ba?"

Tumango sya at ngumiti.
"Oo! Uy, wag nyung ipararating ang nangyare sa bahay ah." Napa ngiwi ako
"Tyak na pauuwiin ako ni Nanay."

"Anung sabi ni Fatima?" Si Mimi

"Hindi pa kami nag uusap. Saka alam mo naman ang ugali nun! Baka mauna pa yung matigok sakin kapag nag sorry yun." Knowing sa bully bitch.

"Sabagay." Si Kyle. "Uy Mimi. Tara. Mag tatayu pa tayu ng tent."

"Ay oo nga pala! Hahanap pa ako ng grupo ko."

Napa tigin sya sa tent na naka tayu sa likuran ko.

"Gusto mong dito nalang sa amin ni Jesse?" Suhestiyon ko.

"Ha? Anu, eh." Napa buntong hininga si Mimi. Ngumiti pag daka.
"Sige!!"

"Lagay mu nalang iyang gamit mo dyan sa loob." Niluwangan ko ang bukas ng entrada.
"Tapos tulungan nalang natin si Kyle sa pag tatayo ng tent nila. Yung iba kasing tent kulang kulang na ng bahagi." Imporma ko kay Kyle.

Habang tinutulungan nina Sisi at Mimi ang grupo nina Kyle, nag kukwento si Sisi ng mga aktibidad na ginawa nila ng  naka raang araw.

Napa mura si Kyle habang sinusubukang mag parikit ng apoy sa kawayan. Ang kaibigan ang huling sumubok mag sindi ng apoy sa grupo nito.

Ang Sisiw at Ang Agila (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon