Sam's POV
Nag outing yung mga barakada, hindi sana ako sasama dahil hindi ako pinayagan ng papa ko. Pero dahil makulit ang bestfriend ko, sinabihan nya ang papa ko na hindi sya aalis sa amin hangga"t hindi ako kasama.
Kaya nandito kami ngayon sa rest house nila Ruth. Lahat ng barkada nandito.
"Guys, simulan na natin ang kasiyahan." Tawag pansin ni Ruth sa iba naming kaibigan.
Agad naman lumapit yung mga kaibigan naming.
"Anong gagawin natn?"-Rosie
"Bonfire, since malamig ang simoy ng hangin. At syempre maglalaro tayo ng usual game natin. Truth or Dare, baby."-Ruth
Naghiyawan ang mga kalalakihan.
Sinasabi ng isip ko, "here we go again. Magkakasala na naman ak dahil magsisinungaling na naman ako."
Sa barkada kasi, ako nalang at si Miguel ang wala pang karelasyon. All of them are pairing us to each other. Game naman si Miguel sa mga panunudyo ng mga kaibigan namin.
"Wala na bang iba?" napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ko.
Nakataas ang kilay na nilapitan ako ni Ruth. "Sige nga sis, mag-isip ka ng magandang laro."
Tiningnan ko sya na nakataas pa rin ang kilay. Umirap nalang ako sa kanya, natawa nalang yung iba sa nagging reaksyon ko.
"Let's enjoy the night guys, malapit na rin graduation natin. Hindi natin alam bukas o sa susunod na araw maging busy na tayo."-Lyca
"YESSS!!!" sabay sabi nila at itinaas pa ang baso na may lamang beer.
Nagsimula na ang laro. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nahihintuan ng bote.
Malapit na akong ma bored ng huminto ang bote kay Miguel.
"Ako, ako ang magtatanong." Sabi agad ni Rosie."Ito ha, truth or dare?" sabay turo pa nya kay Miguel.
"Truth."-Miguel
"Sige, may girlfriend ka na ba?"-Rosie
"Boo, ano bang tanong yan Rosie, syempre lahat tayo ang alam yang si Sam at Miguel nalang ang walang dyowa sito.. Ako na nga lang.. Miguel, darling, kaya ka ba hindi pa nagkaka girlfriend ay dahil hinhintay mo na magbloom ang baby girl natin na si Samantha?"-Lyca
Nakatingin sila lahat kay Miguel na hinhintay ang sagot. Si Miguel naman ay nakatingin sa akin.
Hinintay ko na sumagot sya.
"Nope, Sam will always be the baby in this group. I love her as a friend and nothing else."-Miguel
Kahit masakit, pinilit ko na ngumiti ng nginitian nya ako.
"Ahhh!! Ang sweet mo Miguel, so love mo talaga kaming mga kaibigan mo."-Ruth
"Baliw!!" sabay batok kay Ruth. "Si Sam lang daw mahal nya."-Rosie
Pinaikot nila ang bote uli and this time sa akin naman huminto.
Si Basty ang nagtanong sa akin.
"Truth or dare?"-Basty
"Truth."
"Sabihin mo sa amin kung kalian ka magboboyfriend."
Natulala ako sa tanong nya, hindi ko naman ala kung kalian ako magboboyfriend, lalo na'y ang taong gusto ko hindi naman ako kayang mahalin.
Nakatingin silang lahat sa akin na naghihintay ng sagot.
"Maybe...when the person I love will stop treating me like a baby anymore."
Hinintay ko kung ano yung sasabihin nila. Pero wla, nakatingin lang sila sa akin na para bang inaanalyze yung sinabi ko.
"Oh my God!" si Trisha ang unang nakabawi at napatingin sya kay Miguel. Napatingin na rin ang iba kay Miguel at ibinalik sa akin.
Wala man sa kanila ang unang nagsalita. Para hindi na ako matanong, tumayo na ako.
"I'll go ahead." Paalam ko sa kanila, hindi ko na tiningnan si Miguel, dahil kahit sya hindi makapaniwala.
Pumasok ako sa kubo na okupado ng mga babae at humiga na.
Baby pa talaga ako sa tingin nya, bunso ako sa pamilya at sa barkada pero kahit kalian hindi naman ako umaakto na parang baby talaga.