Chapter 19

105 2 0
                                    

Sam's POV

Limang araw na kami dito pero yung lugar, ang view ay hindi nakakasawa tingnan. Naglalakad ako sa dalampasigan, iniwan ko muna ang mga kasama ko sa cottage nila. Gusto ko kasi mapag isa. Noong isang araw muntik na akong bumigay sa harapan ni Miguel.

Gusto ko sabihin sa kanya na mahal ko pa rin sya, na walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. Pero natatakot ako na baka masaktan na naman ako at baka hindi ko kakayanin.

"Saaaam!!" nilingon ko yung tumawag, si Trisha.

Huminto ako at hinintay na makalapit sya.

"Bakit nag iisa ka?"- Trisha

"Gusto ko lang mapag isa muna."

"Sam.... kailan mo balak sabihin sa kanila?"

"Wala akong balak Trish. Mas gusto ko na normal lang yung pakikitungo nila sa akin."

Hinawakan nya ako sa balikat. "Naiintindihan ko. Kay Miguel, meron pa ba?"

"Huh?? Bakit mo nasabi yan?"

"Ano ka ba, panahon lang ang nagpahiwalay sa atin, pero kilalang kilala pa rin kita. Ganyan kaya yung mga ngiti mo dati."

Bumuntong hininga. "Kahit kailan hindi naman yun nawala e, sa panahon na naghihirap ako sya ang laging naiisip ko. Gusto ko pa syang makita uli, sya yung nagpapalakas sa akin, yung pagmamahal ko sa kanya. Pero alam ko, na ako lang ang nagmamahal sa kanya."

Namuo yung luha sa mata ko hanggang sunod sunod na itong pumatak.

"Paano... kung ngayon, mahal ka na rin nya?"

Napasikdo ako, "Magiging masaya ako.. pero hindi na pwede e, dahil ayaw ko na ako naman ang makasakit. Alam ko kung saan ako papunta kaya mas mabuti na pigilan ko yung sarili ko."

Ngumiti lang sya ng mapait sa akin, "Sam, kung sa tingin mo yan ang tama, gawin mo, pero wag mo hayaan ang sarili mo na maging masaya. Mahal na mahal ka namin." Napaiyak na rin sya at nagyakapan kami.

"Salamat Trish, masaya ako na nakita ko kayo uli."

Naglakad na kami pabalik kung nasaan ang mga kaibigan namin. Nakita ko na ngiting ngiti si Miguel sa amin, pero sa akin sya nakangiti.

Kung kaya ko lang magmahal ng walang nasasaktan gagawin ko.

Lumapit sya sa akin at inabot ang juice. "Inom ka muna." Inabot ko rin yun. Nararamdaman ko na ang mga mata ng mga kasama namin ay nasa amin.

"Saan ka ba galing, kanina pa kita hinahanap." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Bakit? May kailangan ka ba?"

Para rin na realized nya ang sinabi nya dahil natahimik ito.

"Aahh!! Wala naman, inorder ko kasi yan para sayo."

Nakita ko kug paano na laglag ang mga balikat ng mga kaibigan namin. Narinig ko pa ang sabi ni Joseph "Torpe."

Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na magbibihis muna. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko alam ko na namumula na ako.


First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon